Chapter 83

5K 63 9
                                    

Chapter 83

Sarah's POV

Sa pagkaka alam ko na bandang Makati na kami ngayon .. Si Gerald lang naman ang nakaka alam kong saan kami pupunta kaya siya nalang ang bahala sa lahat. Kanina sa simbahan kami pumunta , ang kulit pa nga ng Pari na magbibinyag kay Reed , 3 weeks from now. 

" So saan naman tayo pupunta ngayon? " tanong ko sa kanya

" Sa gagawa ng mga give aways! " sagot niya sa akin

" Okay .. " sagot ko nalang sa kanya , tapos bumalik na naman ako sa pagtanaw sa labas

Maya-maya pa biglang bumagal ang takbo ni Gerald hanggang sa naka park na nga siya sa isang commercial building.

" Ross Party Place " basa ko don sa LED , since sabi naman ni Gerald sa shop kung saan kami oorder ng give aways e nag assume akong yun kasi yun lang naman ang akma sa mga shop na kaharap namin

" Lets go " anyaya ni Gerald sa akin na ngayon e pinagbuksan ako ng pinto

" Thanks " sabi ko ng tuluyan na akong makalabas sa sasakyan

Ramdam ko din yung mga titig ng mga tao na dumaan sa harap namin. 

" Nagagandahan parin sila sa iyo " bulong ni Gerald sa akin

" TSeeee " sabi ko sabay hampas sa braso niya

" Araaay ha .. kinikilig ka nu? Kasi sabi nila pag once kinilig ang babae ..nanghahamapas " pang-aasar niya

" Hoy Anderson huwag ka ngang feeler .. " sabi ko sa kanya , pero tinawanan lang niya ako

" Tara na nga " sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko

At naramdaman ko na naman yung parang kuryente sa kamay ko , nakatitig lang ako sa kamay naming dalawa habang hinahatak niya ako don sa pupuntahan namin.

" Ready? " tanong niya sa akin , habang hawak-hawak pa rin niya yung kamay ko

" Uh oo " sagot ko naman , nag smile lang siya tapos binuksan na niya yung pintuan ng shop

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now