Chapter 47 -- Reed and Her Family

6.9K 58 23
                                    

Chapter 47

Sarah's POV

Nasa harapan na kami ng gate ng bahay namin. Okay lang sa akin na di mag door bell kasi may sarili naman akong susi sa gate namin pero sa pagkakataong ito gugustohin kong mag doorbell. Kanina pa ako kinakabahan dito , di ko kasi alam kong ano ang magiging reaction ng pamilya ko kay Reed lalo na si Mommy't Daddy.

Nanginginig na nga yung isang kamay ko e habang nasa tapat ng doorbell , yung isang kamay ko naman hawak-hawak yung maliliit na kamay ni Reed na busy sa kaka soundtrip niya , para wala lang siyang paki-alam sa mundo.

" Anak okay ka lang ba? " tanong sa akin ni Ate Marie

" Okay lang po .. kinakabahan lang! " sagot ko naman sa kanya

" Naku pamilya mo iyan sa saan ba't maiintindihan nila .. " 

" Paano pag hindi .. baka isipin nila umalis ako dati kasi buntis ako "

" Sasabihin mo naman ang totoo diba? "

" Nasabi ko na sa kanila lahat pero minus Reed! " sabi ko 

" Yun naman pala e .. Kaya nga nagpunta tayo dito diba para malaman nila na ang e exist si Tyler sa buhay mo at siyempre sa buhay nila kasi apo nila at pamangkin ng mga kapatid mo si Tyler " mahabang ani ni Ate Marie

" Hihinga nalang akong malalim .. " sabi ko , pipindot na sana ako ng doorbell ng may marinig akong ingay na malapit sa gate

" AKIRA BLYTHE " boses ni Daddy

Napa-isip tuloy ako pag andito si Blythe ibig sabihin andito din si Gerald , mas lalo ko tuloy hinawakan ang kamay ni Reed. Well ini expect ko namang magkikita sila pero hindi sa ganito kaaga , though nagkita na sila noong sa Powerplant pero hindi naman alam ni Gerald na anak niya ito.

" Lolo paglaki ko i wanna be a zookeeper " narinig kong sabi ni Blythe

" Zookeper? Bakit yon ang gusto mo? Ayaw mong mag-artista? " boses ni Lance

" Ako Daddy ayaw kong maging artist " boses naman ni Zeth

" Mee too " si Pyro

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now