Chapter 65
Gerald's POV
" D*mn saan na ba yung mga files na yon? " sigaw ko sa secretary ko
" Sir , nabigay ko na po sa inyo yon! " sabi nito sa akin
" Kung nabigay mo sa akin , hahanapin ko ba ha! "
" Sir sorry po , hahanapin ko nalang po! " sabi nito
" Tch , umalis ka na nga sa harapan ko .. nakaka init kayo ng ulo e! " sabi ko sa kaniya , kaya ayon umalis sa harap ko
Di ko alam ko anong nangyayari sa akin , kagabi pa akong ganito. Pati mga anak ko nababahala na sa akin. At alam kong nagsimula ito nong pinagsabihan ako ni Sarah na , wala akong karapatan mag selos kasi walang kami. Alam kong over acting na ang pagiging ganito ko.
" Kuya? " si Ken , na kakapasok lang sa office ko
" What? " sagot ko sa kanya
" Hmmmp it seems mainit ang ulo mo ah! " sabi niya sa akin , sabay upo sa harap ko
" Wala kang paki-alam don! " sabi ko sa kanya
" Wooooh .. chill ka nga lang .. sige ka tatanda ka lalo niyan! "
" Tumahimik ka nga .. "
" Tsk tsk tsk Kuya , sabihin mo nga sa akin bakit ka nagkaka ganyan! Ngayon lang kita ulit nakitang mainit ang ulo ah! " puna nito sa akin
" Nothing "
" Nothing ka pa diyan .. alam kong meron! " pamimilit niya sa akin
" Wala nga e .. ang kulit talaga! "
" Dali na sabihin na .. mas mainam na i kwento mo yan kesa kinikimkim mo! "
" Alam mo ikaw huwag kang makulit kong ayaw mong madamay sa galit ko! " sabay tayo ko at kumuha ng wine
" Tell me Kuya , nag-away kayo ni ate Sarah? " pangungulit niya sa akin
" Tch .. oo na! " sabi ko nalang , kasi mas lalo siyang mangungulit kung hindi ko sinabi sa kanya agad
" Aray .. so anong nangyari? "
" Sabi ba naman niya wala akong karapatan magselos kasi hindi naman kami! "
" Baki totoo naman diba?! "
" Oo totoo naman per --- "
" Pero masyado kang over acting .. di ka naman boyfriend mas lalong hindi ka husband kaya di ka pwedeng magselos .. kasi walang kayo , di dahil may anak ka kay ate , wala ka paring karapatan " mahabang sabi ng kapatid ko sa akin
" Oo na over acting na ako " sabi ko tapos sabay lagok ng wine
" Kesa mag mukmok ka diyan ..puntahan mo nalang si Ate at mag-usap kayo! "
" Wala na kaming dapat pag-usapan! "
" Alam mong meron .. Kuya diba dapat pag-usapan niyo pa ang tungkol sa inyong dalawa? "
" Gusto ko nga pero siya naman ang laging umiiwas so anong gagawin ko!? "
" Why not try again .. today! "
" Tsaka nalang siguro! "
" Sus saan na yong sinasabi mong gagawin mo ang lahat maging okay lang kayo! "
" Tch " sabi ko nalang
" Sige ka Kuya , baka maunahan ka ni .. hmmmp anong name nun " sabi niya na parang nag-iisip " Ahh tama Luis .. " dagdag niyang sabi
YOU ARE READING
Ready To Take A Chance Again
FanfictionReady To Take A Chance Again by MichyPot ang pagbabalik ko sa pag-gawa ng AshRald FF!! Sana magustuhan niyo po :)