Chapter 48 --

6.7K 64 13
                                    

Chapter 48

Sarah's POV

Yakap-yakap pa rin nilang lahat si Reed hanggang ngayon. Hanggang sa tumayo si Mommy , at dun na talaga ako natakot , alam ko na ang gusto niyang mangyari. Tumayo na din ako , sinabayan na din ako ni Daddy papunta kung saan si Mommy , sinenyasan ko nalang ang mga kapatid ko para bantayan si Reed.

" Dy galit kaya si Mommy? " tanong ko kay Daddy

" Hindi yon .. sabihin nalang nating nagulat lang siguro " sabi naman ni Daddy at inakbayan ako at hinalikan sa noo

" Sana nga eh! "

" Trust me .. " sabi ni Daddy , ngumiti nalang ako

Pagka pasok namin sa library , naka upo na si Mommy doon sa couch sininyasan na din niya akong maupo don sa upuan na kaharap siya. Dali-dali naman akong umupo , seryoso pa rin ang mukha ni Mommy si Daddy naman nag smile sa akin na parang sinasabi na okay lang siya ang bahala.

" My .. sorry na talaga! " biglang sabi ko

" Anak hindi naman ako galit e " biglang sabi ni Mommy 

" Thanks My .. "

" Pero anong plano mo ngayon? " alam ko ang gusto niyang itanong sa akin , tungkol sa Papa ni Reed

" Ang ibig sabihin ng Mommy mo , anong plano mo sa Papa ni Reed!? " si Daddy

" Sasabihin ko po sa kanya pero hindi pa ngayon! " sabi ko

" At bakit naman? May karapatan malaman ni Gerald ang tungkol kay Reed lalo pa ngayon na lumalaki na ang anak mo , niyo " sabi ni Mommy

" Pag nakita ko siya " sabi ko nalang

" E kahit ganon ayaw mo naman magpakita sa kanya! " sabi naman ni Daddy , feeling ko mas nilalabanan nila si Gerald

" Hindi namin nilalabanan si Gerald kung yan ang iniisip mo " sabi ni Mommy , kelan pa naging mind reader si MOmmy

" Mommy naman kailangan ko pa ng panahon para ipakilala si Reed kay Gerald .. yung sa inyo nga e ang hirap paano na kaya kung kay Gerald .. na alam niyo naman nong bago ako umalis hindi kami okay! "

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now