Chapter 19 -- Her Family

7.8K 58 11
                                    

Chapter 19

Sarah's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Daig pa palengke sa loob ng bahay namin.

" Mommy anong meron? " boses ni Ate Shine

" Basta! " sagot naman ni Mommy

" Kung alam niyo lang kong sino ang bisita natin ngayon " ani ko dito sa loob ng kwarto ko " Fos sure magugulat kayo .. " dagdag ko pa

" Mommy naman pa secret-secret pa e " boses naman ni Ate Johna

" Alam niyo kayong dalawa , tumulong nalang kaya kayo sa akin kaya bumaba na tayo " sabi naman ni Mommy sa mga kapatid ko

" Sino magbabantay sa mga anak namin? " si Ate Shine

" Si Sarah nalang since nasa tapat lang naman tayo ng kwarto niya " rinig kong sabi ni Ate Johna

" Naku si Gab nalang ..tulog pa yung kapatid niyo .. alam niyo naman galing biyahe! "

" Sabagay .. tas Mommy payagan niyo na yong mag-asawa para naman di siya tumandang dalaga! " boses parin ni Ate Johna

Pero parang di ko narinig na sumagot si Mommy hanggang sa ..

" What's with the smile Mommy? " sabay na tanong ng mga ate ko kay Mommy

Wala na akong narinig , baka tuluyan na silang bumaba ng hagdan kaya nag decide nalang akong maligo.  Para makapaghanda sa dinner .. Tapos maalagaan ko na din yung mga pamangkin ko , na miss ko din kasi sila. Minsan lang kasi din bumibisita sina Ate sa bahay.. Tas pag andito naman sila busy ako sa work o di kaya nagpapahinga ako sa condo.

-- 

" Good Evening " bati ko sa lahat ng tao sa kusina kaya ayon nakatingin sila sa akin lahat

" Good Evening din! " sabay na sagot ng mga ate ko

" Say good evening din sa kanila baby Zac " sabi ko kay Zac na karga-karga ko , bunsong anak ni Ate Shine

" Dinadamay mo pa anak ko sa kalokohan mo e " pagrereklamo ni Ate

" Excuse me , hindi ah .. tinuturuan ko lang siyang mag greet sa inyo " paliwanag ko kay Ate " Diba baby Zac? " sabay hawak ko sa pisngi ni Zac na super chubby pagkatapos non natigilan ako

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now