Chapter 26

125 11 3
                                    

Realization

Siya lang naman ang lalaking hindi marunong tumupad sa pangakong kanyang binitawan sa akin…

Damn! Is this the very reason why he never tried to communicate with me? Susugurin ko na sana sila ngunit bigla na lang humandusay sa sahig si Cyril at nakita kong si Ivo mismo ang may gawa nun. Walang pag aalinlangan niyang sinuntok si Cy.

Nakita kong gulat na gulat ang babaeng malandi na yon na kahalikan ni Cy kani kanina lang. Hindi ba niya alam ang salitang delikadesa? Pumapatol sa may girlfriend. Or baka naman si Cy ang nagpakita ng motibo? Damn!! Umiling iling ako. No! Mahal ako ni Cy, inakit lang siya ng malanding ito. Makati lang talaga siguro ang babaeng ito, sabihin niya lang baka gusto niyang ipakati ko yan sa buwaya! Putcha! Samantalang itong si Cy naman halos hindi na makatayo, namimilipit siguro sa sakit.

Maya maya ay sinusubukan ng babaeng yun ipatayo si Cy habang hinahawakan at sinusuri ang pumutok na labi ng boyfriend kong maharot. Wow lang. What a scene in my face.

Kailangan kong kumalma kaya nilapitan ko si Ivo na ngayon ay kuyom na kuyom pa rin ang kamao. Hinawakan ko ang kanyang mga braso pero hindi man lang siya nag atubiling tumingin sa akin. At hindi pa rin niya inaalis ang matatalim niyang titig kay Cyril.

“Ipinagkatiwala ko siya sayo pero… Fuck!” Nag aalab ng galit ang kanyang mga mata. Kelan ko ba siya huling nakita na ganito kagalit? Hindi ko matandaan sa kung anong dahilan. Ito ang pangalawang pagkakataon na muli siyang nagpakita ng galit, pangalawang pagkakataon na pinakita niyang marunong din siyang magalit.

“I’m sorry dude----”

Ni hindi pa natapos sa pagsasalita si Cy nang muli niya itong sinuntok at muli ring napahandusay sa sahig si Cy at bahagya pa niyang nadaganan ang maharot na yun. Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko maisikmura ang posisyon nilang dalawa.

Susugod pa sana si Ivo pero agad ko siyang pinigilan. Batid kong malakas siya at alam ko na wala akong kalaban laban sa kanya pero alam ko namang makikinig siya sa akin.

“Ivo stop it.” Pumagitna na ako sa kanila at hinarap ko si Ivo na ngayon ay pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanya. Gusto niya atang puruhan si Cy. Kung masamang tao lang ako, susuportahan ko pa si Ivo pero hindi ehh. Nasaktan ako pero hindi tama ang ganito.

“Ivo please stop it. Please calm down.” Pangungumbinsi ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

“Look into my eyes Ivo. Stop it. Please!” Mahinahon kong sabi sa kanya. Dahan dahan siyang pumikit at sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Nang dumilat siya nakita kong namumula ang kanyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya para sa akin kaya minabuti ko na lang na umalis na lang sa walang kwentang eksena na ito. Hinila ko na si Ivo at nagsimula ng lumakad ng biglang sumigaw ang malanding iyon.

“Ako ang mahal niya so you better back off.”

Lumingon ako sa kanila at nakita kong nag iwas ng tingin si Cy samantalang ang malandi na yon ay nagawa pa akong taasan na kilay.

“TSS. Then he is all yours.” I hissed at muli silang tinalikuran.

Nakailang hakbang pa lamang ako ng muli akong lumingon sa pwesto nila. They hug each other! Ang ganda ng view! I am wrong with my thought! Damn wrong with trying to convince my self that he never cheated on me. Damn! Putcha! Takte! Anong pag mumura kaya ang angkop sa bullshit extreme pain na nararamdaman ko ngayon?

Tahimik lang kaming pumasok sa suite namin. Wala pa parents namin. Mabuti na rin yun nang hindi na sila magtanong pa dahil una sa lahat hindi ako handa magsalita at lalo nang hindi ko pa tanggap na nangyayari nga ito ngayon. I am on my way na siguro sa itinakdang bukas, bukas na ayokong dumating dahil ayokong masaktan.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now