Chapter 20

158 14 7
                                    

Take a chance on Me

"Mahal kita. Mahal na mahal kita Honey."

And he once more kissed my hands. Bigla na lang ako humagulgol. Hindi lang dahil masaya ako pero dahil sa nagawa niyang buksan muli ang puso ko.

Akala ko dahil sa nangyari nuon, mahihirapan na ako muling magmahal at akala ko dahil hindi siya si Mav ay hindi ko na rin siya magawang mahalin.

Nagkamali ako. Sobra.

Hindi ko mapigilan ang hindi lumuha. Alam kong galing ako sa isang bigong pag ibig. Isang pag ibig na mas pinili ang pakinggan at intindihin ang iba. At galing din ako sa isang digmaan na kung saan hindi ko alam kung sino ang aking tunay na kalaban. Isang digmaan na naging dahilan upang mawala ng pansamantala ang lahat ng bagay bagay na iniingatan ko. Hindi ganoon kadali kalimutan ang nakaraan pero mas pinili kong bumangon para lumaban. Mas pinili kong bumangon dahil yun ang tama at hindi pa oras para sumuko.

Ilang ulit man akong madapa alam ko na ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin ay kahit kailan hindi ako bibitawan at kailan man ay hindi ako iiwan.

“Please, forget the past. Alam ko ang lahat. Wala kang kailangang alalahanin at wala ka rin kailangang ipaliwanag.”

Sabi niya at gaya kanina titig na titig pa rin siya sa mga mata ko na ngayon ay nagiging malabo na ang aking paningin dahil sa patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko.

“I-I’m afraid.”

Sabi ko, saka yumuko at mas lalo lang akong humagulgol.

Hinawakan niya ang baba ko saka iniangat ito. Hindi ko alam kung naluluha na rin siya kasi nakita kong namumula ang mga mata niya.

“Ayoko kong pilitin ka pero ayoko rin makita kang maging masaya sa piling nang iba. Gusto ko ako lang ang magpapasaya sayo. Gusto ko ako ang mahalin mo. Demanding man ako sa paningin nila, wala akong pakialam mahalin mo lang ako.”

Sabi niya ng may awtoridad.

HIS POVs:

Alam kong masyado pang maaga para sabihin ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko na matagal ko nang kinikimkim. Masyadong maaga para muli niyang buksan ang puso niya at muling magmahal.

You’re so scared of falling in love,

Cause you end up in the dust, every time…

Every time!

Now you see us all the same.

Like our words are just a game, spitting lies…

Dirty lies!

Alam ko maraming nagmamahal sa kanya at marami ring gustong maging bahagi ng buhay niya. Wala akong pakialam kung may isa o higit pa dun ang gustong mapunta sa posisyon ko ngayon. Wala akong pakialam sa iba. Sila pa kaya? Kahit ang sarili ko ngang kaibigan ay nagawa kong kalabanin para sa kanya. Yes, tama kayo nang nabasa, mahal ko siya kaya kayang kaya kong kalabanin ang lahat.

I know, you know there’s something here,

But you cannot get past the fear,

I can help you make it clear.

So when you feel like trying again…

Reach out, take my hand!

See how great it could be…

To fall in love, with someone you can trust,

Who will never give up!

Cause your all that he needs!

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now