Chapter 6

198 18 3
                                    

First Love for Graduation Day

Ang bilis ng panahon at fourth grading examination na namin at finals naman nina Ivo at Angelo. Kaya naman busy na kaming lahat sa pag rereview. Exempted ako at si Ivo sa 3 subjects. Ako, sa Math, Filipino and English. Ito naman si Ivo, sa History, Social Science at Math din. Kasi nung nakaraang buwan, our school both Elementary & High School department joined different competitions and yung mga sinalihan naming dalawa, of course, we were champions.

Malaking tulong actually ang pagkapanalo namin para mabawasan naman kahit papaano ng kaunti itong eyebags ko sa kakareview. Since Finals naman kaya napagdesisyonan ng barkadahan na doon sa bahay naming magtitipon tipon para sa group review namin.

Yung sa mga exempted kame ni Ivo, ang ginagawa namin ay tinutulungan na lang namin sila yung sa mga part na hindi nila gaanong maintindihan at buti na lang high pick up sila dahil kung hindi, sa ikli nitong pasensya ko baka ipapatapon ko pa sila sa bukana ng Mayong Volcano pero shempre, joke lang yun :D

At dahil hindi lingid sa kaalaman nina Papa at Mama ang patungkol sa amin ni Angelo, They decided that Girls will stay sa guest room namin at kahit bakante naman ang isa pang guest room, Boys will be staying sa guest room nina Ivo.

“Boys off limit muna kayo sa girls kapag bed time na lalo ka na Angelo.” Wika ni Papa.

Eskandaloso man to si Papa at dahil sa sinabi niya, gumuhit ng pagtataka sa mga mukha ng barkadahan. Nakita ko pa nga na pabalik balik nila kami nililingon ni Angelo.

“Napanood niyo ba ang balita sa News section kagabi, na sa panahon ngayon, dumadami na ang mga kabataan na nagiging aktibo sa sex.” Dagdag ni Mama.

Na hilamos ko tuloy ang mukha ko gamit ang mga palad ko sa sinabi ni Mama ng wala sa oras.

“Ma naman.” Nakakahiya sa mga barkadahan at lalo na kay Angelo.

“Naiintindihan po namin tito and tita.” Wika ni Angelo habang nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at nag tama ang mga mata namin, umayos agad ako sa kinauupuan ko.

“He’s right Ma. Alam namin kung ano ang tama at kung ano ang mali.” Dagdag ko bilang pag sang ayon kay Angelo.

Lumipas ang ilang minuto at umalis na rin ang boys papunta sa guest room nina Ivo at kasama doon si Zeejay, I’m sure it’s gonna be his/her night. At ang girls naman ng tungo na rin sa guest room namin at dahil ayokong malagay sa hot seat, doon ako matutulog sa sarili kong kwarto. Para paraan lang yan :D

Sumalpak ako agad sa kama at hinagkan ang favorite pillow ko na si tweety bird. Halos lahat ng gamit ko ay may image ni tweety bird. Ang cute kasi. Bilang lang ang buhok niya :D

Nakita kong umilaw ang phone ko kaya agad ko itong kinuha and oh, Angelo texted me.

Prince Angelo:

Goodnight My Princess. I love you three times a day :D

Kaloka talaga to minsan pero shempre kinikilig ako kaya agad akong nag reply.

Ako:

Goodnight too My Prince <3

Since hindi ko pa siya sinasagot, hindi ko pa siya sinasabihan ng iloveyou or iloveyoutoo. He’s my Knight shining armor kaya Prince Angelo ang name niya sa contacts ko.

Matutulog na sana ako nang may biglang kumatok sa may pinto. At kahit tinatamad ako, tumayo ako at pinag buksan ko kung sino mang hayupak na to na may lakas ng loob mang istorbo.

“Oh bat ka andito? May nakalimutan ka ba?” Tanong ko sa engot kong pinsan na tulad ko naka bihis na ng pantulog.

“Wala. I’ll sleep with you.” Sabi niya at agad namang humiga sa kama.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now