Chapter 24

121 10 6
                                    

Video Clips

Narinig kong naghiyawan ang lahat.

Pagkatapos nun ay nag sikainan na kami at may mga games din inihanda ang barkadahan. Nakakatuwa lang kasi lahat ay sumasali. Walang humihindi.

“Fuck. How many times do I need to tap the table? Kanina pa ako dito talo huh!”

Narinig ko ang pagrereklamo nitong si Ivo. Kanina pa raw kasi siya sumasali sa games kaso ni minsan ay hindi siya nanalo.

“Kick your own ass dude baka sakali manalo ka na!”

Sigaw naman nitong si Jake at saka humagalpak sa tawa ang lahat! Natatawa na rin kami ni Cyril sa mga pinag gagawa nila. Meron kasi part ng games nakakatawa. Like the girls have to draw the word that they have to pass to their team mates using lipstick at sa mukha pa talaga ng team mate nila dapat idraw. Kaya ayun mga itsura nila, nakakatawa. Sobra.

Kaya naman panay ang kuha ng pictures nitong si Jay - Ar. Maganda raw kasi ipost sa FB, Twitter or di kaya sa Instagram.

"Pwedeng pwede to gawing scandal with the title "After Grad: Epic" HAHAHHA."

Sabi nitong si Jay - Ar kay Faith na sinang ayunan naman ng iba.

Nakakaloka talaga itong mga ideya nila.

“Okay guys lets move to the next game. This is the so called Hulaan Mo Ito.”

Masiglang sabi ni Sheena. Siya kasi yung host naming tonight, yan kasi ang passion niya. I guess nga mag mamasscom siya pag dating namin sa kolohiyo major in broad casting.

“Game kami dyan.” Sigaw naman nitong si Alex. Kaibigan ni Cyril. Yes. Kilala ko na ang mga kaibigan niya kasi ipinakilala niya lahat, isa isa sa akin.

“Okay. Paunahan ito guys. Dapat kung alam niyo ang sagot, tumakbo kayo dito sa mini stage natin. Bawal ang tulakan o agawan ng mic. Maliwanag?” Ani ni Sheena.

“Bring it on!” Sigaw naman ni Josh. At naghiyawan na naman ang lahat.

“Okay trial muna tayo huh? Ahm, siya ay mahilig sa boys hunting. Sino siya?” Tanong ni Sheena.

At nag paunahan sa mini stage ang barkadahan. At nauna nga itong si Dulce na malapit lang sa mini stage na ginawa namin.

“Si Zeejjjjayyyyy! HAHHAHAH!” Sigaw naman nitong si Dulce sabay halakhak.

“Correct! HAHAHHA!!” At sinabayan pa talaga ni Sheena ang tawa ni Dulce at bigla naman nag alburuto itong si Zeejay.

“Hoy, kung maka husga naman. Ang daming pwede gawing example, ako talaga?” Sabay irap niya sa lahat kaya ayun humalakhak ang lahat.

"Si Dulce malapit sa mini stage, bawal yan. Madaya." Singit nitong si Erwin kaya sinapak agad siya ni Dulce at ayun na naman ang hiyawan ng lahat.

Kaya naman umurong silang lahat para maging patas daw ang labanan. Bawal ang malapit sa mini stage. Talagang dinamdam nila ang laro. Nakakatuwa naman sila.

Akala ko mauumay kami sa mala Fairytale kong Surprise Party, hindi naman pala. Lubos ang pasasalamat ko sa barkadahan sa lahat ng efforts nilang matulungan ako.

At nagpatuloy sila sa paghuhula ng mga tanong ni Sheena. Meron nga hindi ko talaga alam ang sagot. Paano kaya ito ginawa ni Sheena? I guess nag research ang loka. Pinaghandaan talaga niya. Nakakatuwa naman itong Besty ko. Napaka supportive at dedicated na host.

“Damn!! Wala akong alam sa mga tanong mo. Pwede bang other game na lang!” Nagrereklamo na naman itong si Ivo.

“Palibhasa kasi dude wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo.” Sigaw ni Roel.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now