Chapter 23

135 12 4
                                    

Without You

Hinintay kong tumigil sa pagtugtog ang banda saka ako huminga ng malalim at minulat ang aking mga mata.

Nagulat akong makitang nasa unahan ko si Cyril, hawak hawak niya ang kanyang iPhone, I guess kinuhanan niya ako ng video habang kumakanta ako. Ano kaya itsura ko doon?

Nag palakpakan ang lahat. May humiyaw at may sumigaw pa nga na ang hot ko raw tignan. Namumula na yata ako dito sa unahan kaya naman dali dali na akong bumaba. Inalalayan naman ako ni Cyril. Ang sweet niya lang talaga.

Bumaling ako kay Mav na ngayon ay naka titig na naman sa akin. Gusto ko rin siyang titigan pero hindi naman pwede. Deadma na lang, I have naman my Cyril at may baby din siya. Tama lang na maging civil ako dito. Tumingin ako sa kanya na ngayon naman ay nagtatawanan kasama ang barkadahan. Naka akbay siya sa girl friend niya. Ramdam kaya niya?

Ayy ewan na lang talaga sa akin. Napaka ewan ko. Hindi ko naman ginagamit bilang panakip butas si Cyril dahil totoo naman yung nararamdaman ko para sa kanya pero yun nga lang hindi buo. I guess lahat naman natututunan kaya kailangan ko lang alagaan ang meron kami ni Cyril. Ito ang makakaligtas sa akin. Makaka ligtas sa amin.

Napansin ko rin ang pagiging close ni Sheena at ni Angelo. Hindi kaya? I guess hindi naman kasi hindi naman sila magkatabi ngayon. Tinignan ko si Anna, ang saya saya niyang kausap itong si Jay – Ar. Ganoon din sina Faith at Marco. Grabe naman ang tatag nila huh? Nakaka believe din ang mga ganyang relasyon. Sabi nga nila, ang isang relasyon ay nagiging matatag hindi dahil mahal lang nila ang isa’t isa bagkus nagiging matatag ito dahil ang bawat isa ay marunong umintindi at makinig.

Pansin ko ring sina Dulce at Erwin ayun, nagkukulitan na naman. Balita ko itong si Dulce masyadong selosa. Makita lang niya na may kausap ibang babae itong si Erwin, nagagalit na. NAKU naman. Itinakwil na yata niya ang kanyang Denial Queen Crown.

Sa kakadaldal naming ay nahagip ng mga mata ko ang miyembro ng Sorority League. Nakita ko agad si Cris Ann. Galit pa kaya siya sa akin. Lumapit siya sa table nina Mav. I guess nag congratulate lang sila pero nakipag beso agad siya kay malandi na yun. I guess magkakilala sila.

“Si Cris Ann yun, president ng IU Sorority League.”

Sabi ni Cyril. Napansin niya siguro na andoon ang buong atensyon ko sa lugar nina Mav.

“Ahm, alam ko.” Maiksi kong sagot sa kanya. Saka ko kinuha ang juice ko at uminom ng kaunti.

“Si Angelica yun. Kasamahan nila sa IUSL. Tapos yung isa si Marga, pinsan ni Angel.”

Pag kukwento niya. Tumango tango naman ako.

Bigla akong natigil sa paglalaro ng straw ng juice ko nang narinig ko ang isang pamilyar na boses na nagsasalita sa lugar nina Mav.

Hindi naman ako kinakabahan or what, nagulat lang ako kasi ang tagal na nung nangyari ang delubyo sa buhay ko, ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.

“Are you okay?” Tanong agad ni Cyril.

Tumingin agad ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na nag aalala siya para sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya.

“I’m okay. I am.” Sabi ko. Hindi niya kailangan makaramdam ng pag aalala. Matagal ko nang kinalimutan yun kaya nga andito ako ngayon, pinag papatuloy ang takbo na aking buhay. Ako ang bida dito, kaya tama lang ang maging masaya ako kahit may kulang.

“Oh yes, congrats dude. I saw your fight.” Sabi niya sabay tawa.

Siya nga hindi ako nagkakamali. Kaya naman tumingin ako sa lugar nila at timing naman lumingon siya sa lugar namin. I guess alam niyang nandoon ako kasi imposible naman sa kalagitnaan ng tawanan nila ay mag aatubili pa siyang lumingon sa lugar namin.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now