Chapter 16

154 14 6
                                    

Dedicated sa pinakamamahal kong sis-a na sobrabg baliw. HAHAHHA. Keep on supporting sis and thank you for being open sa akin kahit na bago pa lang tayo naging partners in crime. HAHAHAHHA. Hope you like it BALIW .. mwah.mwah.mwah.

********

FLASHBACK

Wala akong ganang pumasok dahil ang daming ginagawa sa school. Research, Requirements, Quizzes, Activities at kung anu ano pa. Ni hindi ko nga namalayan na humahaba na pala ang buhok ko. Hayy.. Hindi ko rin alam kung puputulan ko ba ito o ibahin na lang ang style. Gusto ko sana ipakulot yung sa dulo naman ngayon.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag usap ni Ivo. Hindi na kami nagsasabay pumasok at kahit sa school hindi ko rin siya nakikita. Kung makita ko man siya kasama naman niya ang iba niyang mga kaibigan o di kaya kasama niya si Rina.

Nasa may bench kame ngayon ng barkadahan.

“Angelo?”

Nasa harapan ko siyang naka upo at sa tabi niya si Sheena na kanina pa hindi mapakali na para bang may hinihintay. Hindi ko na lang inusisa kasi kung gusto niyang mag share hindi ko na siya kailangan pang tanungin.

Tumingin naman sa akin si Angelo at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.

“Ahm, si Ivo? Nakikita mo ba siya? Diba classmate kayo?” Naiilang akong tanungin siya hindi dahil alam mo na pero naiilang kasi ako, kasi, shempre pinsan ko si Ivo. Lagi kaming magkasama pero ngayon, ni hindi ko na siya mahagilap.

“Oo classmate kami kaso hindi siya masyadong pumapasok ngayon.”

Sagot niya nang nakataas pa ang kilay. At ang titig niya na para bang sinusuri niya ang bawat galaw ko. Kaya naman tinaasan ko rin siya ng kilay.

“Nag aabsent? Why?” Nakakagulat lang huh. Ni hindi nga siya nag aabsent nuon. Ang ma late nga wala sa vocabulary niya.

“Yep. Kasi laging may photoshoot sina Rina & Jay – Ar. I think sinasamahan niya si Rina.”

Tumango ako bilang pag sang ayon. Ganoon? Mahal niya nga talaga si Rina nuh? Very supportive. Ideal guy nga talaga siya ng lahat ng kababaihan kaya naman hindi nakaka pagtaka na karamihan sa girls dito at maging sa ibang schools ay halos ipagsiksikan na ang sarili nila kay Ivo. Buti na lang matinong guy itong si Ivo.

Ang swerte naman talaga nitong si Rina. Kaya naman pala wala rin si Anna. Siguro ay sinamahan din niya si Jay – Ar.

“Hey Besty. Pina unlakan mo ba ang invitation ni @clumsykeren?”

Kaibigan ng family namin ang family ni @clumsykeren kaya kung may mga activities sa school nila tapos pwede ang outsider iniimbitahan nila kami ni Sheena. Yun lang daw kasi na may time talaga kami para magsama. At kung may activity naman kami sa school at pwede rin ang outsider, iniimbitahan namin sila ni @michEuniceEalla.

“Ahm, yea. Ang saya saya lang nga eh. Andun din si @michEuniceEalla.” Sagot ko sa kanya.

“Talaga? Hala. Namiss ko agad sila. HUHU. Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng transaction sa Bohol.” Pagrereklamo nitong si Sheena.

“Alam mo ba ang @michEuniceEalla, patay na patay sa Daniel ba yun. Miyembro ng banda na tumugtog doon. Tapos itong si @clumsykeren naman naku baliw pa rin. Panay ang sabi na maganda siya kahit naman alam namin na maganda nga talaga siya.”

Nagtatawanan kami ni Sheena sa kaka kwento ko sa mga nangyari sa naging tagpo naming nina @clumsykeren at @michEuniceEalla nang biglang may naalala itong si Zeejay.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now