Chapter 8

179 19 8
                                    

The Frat and the Sorority

Kasalukuyang nag didiscuss si Ma’am Diaz sa Basic Algebra. Lahat sila actually nakikinig kay ma’am. Pero ako, hindi ako masyadong mapakali. Gustong gusto ko na talaga umihi. Eh mga 15 miutes pa lang nag start ang klase namin. Ewan ko ba. Hindi man lang nag cocooperate. Kanina wala pang time, ayaw lumabas. Ngayong discussion na saka nag iinarte.

Parang tao lang. Kapag andyan ang crush, nagtatago. Kapag wala na, saka hinahanap.

Henebeyen!!!

“Ms. Barredo”

“Ms. Barredo.”

“Ms. Barredo!!!”

SHIT!! Nakakagulat ka ma’am. Pakiramdam ko lumayas saglit ang kaluluwa ko.

“Are you okay Ms. Barredo? You look pale.” Saad niya.

Agad naman akong nilapitan ng barkadahan.

“Besty are you okay?” Tanong ni Sheena nang may pag aalala.

Tumango ako saka ngumiti. Sinabi ko sa kanila na huwag maingay. Naiihi lang talaga ako. Nakinig naman sila kahit sinusubukan nilang hindi tumawa.

Pumunta ako sa harapan at saka kinausap si ma’am. At buti na lang naintindihan niya ako.

Saka ako dali daliang tumakbo pa tungo sa comfort room.

Pagkaliko ko. Nabangga ko naman ang apat na lalaki na naglalakad papunta siguro sa second year building.

Mga second year siguro sila.

Ayy hindi Honey. Mga first year yan sila kaya papunta sila sa second year building.

Baka naman kasi may bibisitahin lang doon.

Nagtatalo mag isa ang isip ko.

Henebeyen!!!

“Oh ano na Miss? Magtititigan lang ba tayo dito?” Sabi ng guy na literally maitim.

“Oy kambal, chilax lang. Chicks yan.” Sabi naman ng guy na literally maputi.

Seriously?? Twin sila?? Pwede ko yata sila ikumpara sa poo ng butiki. You know what I mean?? :DD

Teka nga!! Kelan pa ba ako naging judgmental? Ngayon lang siguro kasi masyado silang maangas.

“Uy bosing, sasaktan na ba naming to.” Sabi naman ng medyo payat na chinito.

“Saktan? Ang lakas naman ng loob mo manakit ng babae!” Sabi ko sa kanya sabay irap at akmang aalis na sana ako ng biglang hinawakan ng tinatawag nilang bosing ang braso ko.

“Mag sorry ka.” Sabi niya nang di man lang ako tinititigan.

Seriously? Kapal naman!!

“Mag sosorry naman sana ako, pero masyado namang maangas ang mga kasamahan mo.” Sabi ko sabay hila sa braso ako.

Kupal!!! Gusto ko talaga mag mura pero pinipigilan ko. Iniisip ko na lang na sinasaktan ko na sila sa isip ko!! Nakakabanas talaga!! First time yun nangyari sa akin!! Hayy naku.

Naabutan ko ang ilang mga matatangkad at mapuputing girls sa may comfort room. Lahat sila ay naka make up at above the knee ang palda. I guess naubusan ng tela kaya ganyan ang uniform!

Lahat din sila ay tumitig sa akin. Hindi ko na lang pinansin kahit yung isa naman ay nakita kong kinalabit niya yung babaeng short hair at may pinaka short namang skirt sa kanila. Siya siguro ang leader ng group.

Nung nasa cubicle na ako, narinig ko pang pinag uusapan ako. Sinabi pa nga ng isa doon na ibulong lang daw. Seriously? Bulong ba yun?

Marami pa sila actually pinag usapan pero hindi ko na lang pinansin. Hindi naman kasi ako interesado at hindi rin ako pakialamera. Una naririnig ko pa ang tawa nila at mga bungisngis na para bang kinikilig na ewan. May narinig pa nga ako nagsasalita ang isa sa kanila, ako na naman ang topic, Baka raw nag jejebs ako kaya hindi pa ako lumalabas. So kadiri raw. Ano namang nakakadiri doon as if naman hindi niya yun ginagawa. Like duhhh!!!

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now