Chapter 10

185 15 1
                                    

BULLY: VIRAL

I am freaking out! Gusto ko magwala! Gusto ko umiyak! Gusto ko sumigaw!!!

What had happened?? Bakit ako walang maalala? Huminga  ako nang malalim. Pinapakalma ko muna ang sarili ko. Sinusubukan kong pagtagpi tagpiin ang bawat bagay na maalala ko. Hanggang sa ….

Yes, si Blau..

Si Blau na naghinge ng tulong ko!!

SHIT!!

It’s Nash!!

It’s damn Nash!!

Evil Nash!!!

This is his plan! His plan of vengeance!!

Pakitang tao lang pala ang lahat ng ginawa niya!! I thought he is different!!

F***

Binalot ko ng kumot ang katawan ko. Hindi ko mapigilan ang pag buhos ng mga luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko!! Sinabunutan ko na ang sarili ko! Hindi ko na alm ang gagawin ko. SHIT!!!

Nakita ko sa may gilid ang isang table at apat na upuan. Sa may mesa ay nakapatong ang hindi na mabilang dami ng bote ng Red Horse at mga upos ng sigarilyo. May mga nakakalat pang wrapper ng curls. Yun siguro ang ginawa nilang pulutan aside from watching us!

Since apat ang upuan. Sina Nash at ang tatlong asungot ang nandirito nang mga oras na yun.

Gusto ko masuka sa nangyari!! Gusto ko ihampas at itapon ang lahat ng gamit dito. Tumingin ako sa salamin.

Did he rape me infront of his friends?? Habang nagpapakasarap siya sa ginagawa niya sa akin ay pinapanood lang kame ng tatlong asungot na yun?? Tapos ano, pinagtatawanan nila ichura ko?? Ano pa?? Kinukunan kame ng litrato?? Or worst video?? Ano yun, live sex scandal?? Mas malala pa yata ito sa naging kaso ni Vhong Navarro at Denise Cornejo!! Hindi naman kasi ako inimbitahan sa condo bagkus kinidnap!

Ang dami ko ng pagmumura na sinabi sa utak ko!! Hindi ko mailabas dahil wala akong sapat na lakas..

Tumakbo ako papunta sa banyo. Binuksan ko ng pagkalakas lakas ang gripo. Gusto ko magpakalunod sa pagligo. Gusto ko sumama na lang sa pag agos ng tubig ang lahat lahat ng ginawa niya!!

Alam ko wala akong matandaan pero babae ako. Alam ko kung may nangyari o wala. Hindi na ako bata!! Kahit na sinusubukan kong iwaglit ang katotohanan!

Lumabas ako ng motel. Tinungo ko ang sa front desk. Tinanong ko sila kung sino ang nag reserved ng room na yun. Ang sabi niya si Bem N. Wala naman akong kilalang Bem N. Nagtanong pa ako ng iba pang detalye wala na silang maibigay sa akin. Anong klaseng motel ba to? Pangalan lang pwede na? Basta mag bayad? Gusto ko silang murahin pero ayoko naman mag pahalata s aka demonyohang ginawa sa akin ng hayop na yun. Sino ba namang nilalang ang kayang ipag sigawan sa lahat na ginahasa siya sa panahong ninanamnam pa lamang niya ang buhay ng pagdadalaga? Sabihin niyo nga?

Sinusubukan kong kumalma. Humingina lang din ako ng favor kung pwede ako makitawag. Gusto kong tawagan si Angelo pero alam kong mabibigla siya. Hindi ko rin pwedeng tawagan sina Papa at Mama.

Isang tao lang ang alam kong makakaintindi sa akin sa ngayon..

Aling Nene:

Good afternoon. Santiago’s resident.

Ako:

Good afternoon Aling Nene. Si Honey po ito, si Ivo?

Aling Nene:

Andito po ma’am. Saglit lang po.

Tumango ako kahit alam ko namang hindi niya yun nakikita. Naririnig ko ang mabilis na pag hakbang ni Ivo.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now