Chapter 1

855K 14.3K 3K
                                    



~Shayne's POV~

Hay First day of class :( Dito pala ako ngayon sa kwarto ko. Nagaayos para sa school mamaya.

Imbis na magpaganda ako eto ako ngayon nagpapapanget para hindi nila ako pansinin.



GLASSES check!



BRACES check!



LONG SLEEVES AT MAHABANG SKIRT check!





Viola! Tapos nako!





Sa totoo nyan hindi naman ako ganito dati e. Isa ako dati sa pinakasikat na teen model sa bansa kaso iba ang pangalan ko sa mga magazine na pinipictorial ko. Masyado kasi akong masikreto sa buhay halos mga BFF ko lang at mga magulang ang nakaka-alam sa mga sikreto ko.





Kaya ko lang naman naisipan magiba ng ugali kasi dati nung mga 13 palang ako, pagpapasok na ako ng school namin ang daming sumasalubong sakin na mga lalaki ang iba nga mga tomboy na may dala-dalang bulaklak o chocolate . Ewan ko ba ginawa na nilang araw-araw ang Valentine's day. Pag may ganung eksena todo iwas ako. Kahit may mga bodyguard man ako hindi ko sila pinapapasok sa school baka kasi gulpihin lahat ng mga lalaki na sumusunod sakin.





14 years old ako noong naisipan kong baguhin asng itsura ko. Nagpabrace kahit maganda naman ngipin ko at nagsuot ng salamin kahit walang grado. Every month lalong lumalala itsura ko. Ngayon na 16 ako at 3rd year high school lumala ng lumala ang Nathalie na nakilala ng mga lalaki na naghahabol sakin dati. Ngayon nakalimutan na nila ang Nathalie sa school.



~ At Spark Academy~





Nakita ko agad sila Cielo, Tracy, Qim at Sofie sa gate nagchichikahan.



10 ang campus princess at 10 ang campus prince sa school namin , kasama na dun ang mga kaibigan ko.



Ang pinakamatagal ko ng kilala sakanila ay si Cielo, since 4 years old magkakilala na kami sa Korea, ang mom ko kasi at ang mom nya magkaibigan, ayun simula nung dumalaw sila samin naging friend ko sya at nung tumagal naging best friend ko sya.



Nabuo kaming lima nung grade 5 kami, wag nyo na itanong kung bakit mahabang story.





Eto na pala ako ngayon sa Kotse habang nagpapark si Manong Driver eto ako ngayon tingin tingin sa mga new students





Pagbaba ko sa kotse syempre nagpa-alam muna ako kay manong at sa dalawa kong body guard.





"Bye manong , Bye Mga Kuya1 at Kuya 2" Hehe! Kuya1 at Kuya2 ang tawag ko sa kanila ang panget naman pag BG1 at BG2 noh.





Papunta na ako kina Bess kaso bigla ako hinarangan ako ni Claire at ang kanyang mga alipores na laging kasama nya.





"Lalong lumalala ang itsura mo ha CAMPUS NERD?!" -Claire



"Oo nga! Nagpalagay ka pa ng brace e hindi mo naman bagay!" - Marie isa sa mga alipores nya



"Panget ka na nga lalo kapang pumanget!" -Jeannette



"Look who's talking?! "Tumingin nga muna kayo sa salamin bago nyo husgahan na panget ang best friend namin!"" -Cielo (hindi ko namalayan na nandyan na pala sila)



Bigla na lang sila umalis takot yan kina Cielo e.



Si Cielo kasi yung taong mabait sa amin apat kaso sa iba mukhang tigre at pati ugali nagiging tigre kaya lahat ng babae takot sa kanya. Pagmaynarinig sya nagbubulungan ng masama tungkol sa amin ng mga BFF nya sigurado ako kung sinu man yung kinabukas wala na syang buhok



Palakad na kami papasok sa campus (nasa parking lot palang kasi kami e)

Biglang may narining akong bulungan.



Girl1- "tignan mo yung nerd na yun kasama yung apat na campus princess naatin"



Girl2- "Bakit ganun itsura nya asng panget panget, paano nya kaya naging kaibigan ang 4 angels ng school natin?



4 angels ang tawag kina Cielo dati 5 angels kaso nagiba ako ng mukha kaya ayun naging 4 na lang.



Girl3- "Ewan ko nga e. Ginayuma nya siguro.



Aba ang kapal! Nagbubulungan ba sila e rinig na rinig ko naman



"Bess Hayaan mo na sila wala lang silang magawang matino sa buhay kaya nagkakaganyan" bulong ng katabi ko na si Qim





"Okay lang naman yun noh." sabi ko.



"Ikaw talaga masyado kang mabait kaya hindi hindi ka tinitigilan ng mga Bullies mo e" sabi naman ni Tracy na halatang nag-titimpi.





Nagtataka ba kayo kung saan si Cielo, Ayun siya sa may table kasama si Sofie, kami kasi nina Qim bumili ng Monster Float sa stall ng mcdo nakapasok na kami ng campus ah.



Si Cielo kasi sinaksak nya yung headphone nya na beats sa tenga nya kaya siguro hindi nya narinig ung mga babae kanina nung papasok kami ng campus.



Napansin ko ang daming nakatingin samin na babae ang iba sakin lang nagbubulungan



~Hayyy!



New Bullies nanaman . Kelan kaya sila magsasawa sa kakaasar sakin na Campus Nerd.



Well... Hayaan mo na nga sila nandyan naman ang Bessy ko para damayan ako.



Any suggestions? Follow me on twitter @deliixxWP :)

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon