Chapter 4

667 14 0
                                    

Maaga-aga ako pumasok. Excited. Di ko alam kung anong meron sa araw ng lunes at napagtripan kong pumasok ng maaga. Pakiramdam ko kasi ang gaan-gaan ng araw na ‘to. Iba sa lahat ng mga lunes na nagdaan.

            Ewan lang, pero dati ko namang kinakatamaran ang pagpatak ng lunes. May hangover pa ko ng dalawang araw na bakasyon. Nito kasing mga nakaraang araw lagi na kong busy. Practice na kasama ang glee pag weekdays, tapos sa tropa naman pag sabado. Pag linggo naman, kelangan ko namang maglaba at tumulong kay ermats kung ano man ang pwedeng gawin. Naghahanap tuloy ako ng maghapong walang ginagawa. Yung tutunganga lang ako. Kakain. Matutulog. Magbababad sa tv kahit anong mapagtripang palabas. Basta wala akong ibang iisipin kun’di sarili ko lang.

            Ayaw ko mang aminin, pero si Lyla nga siguro ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng gana pumasok ng maaga. Yung pag-text niya sa’ken ng sabado, kahit saglit, malaking bagay na sa’ken.

            Napansin nya ko.

            Ang kaso, matapos akong mag-reply dun sa hinihingi niya, at nag-reply siya ng simpleng “TNX”, hindi na siya nag-text. Wala ng kahit anong kwestyon. Tineks ko sya: SN MO NKUHA NUM KO? Hindi nag-reply. Akala ko pa naman makaka-text ko siya ng matagal-tagal. Akala ko magtatanong ng chords para sa mga kanta. Akala ko magtatanong siya kung bakit ganun ang lineup ng kanta. Nagpa-load at nag-register pa man din ako ng unli, pero hindi na siya nag-text ulit.

            Pero ayos lang.

            Siguro kinuha niya kay Alesi o King number ko. Nahihiya lang siguro magtanong ng cellphone number mismo sa’ken kaya sa ibang tao hiningi. Pero kung nahihiya siya, bakit sa’ken pa siya nagtanong ng lineup ng kanta? Pwede naman kila Alesi o King? O kay Ada?

            Bakit sa’ken pa?

            Ewan. Bahala na siya sa trip niya.

            “Sir, pakisuot po yung id…” sita sa’ken ni “Chief” na bahagyang nakangiti pagkapasok ko ng campus. Mabuti na lang at medyo close kami ni Ate “Chief” kaya kahit kelan di niya ko nire-report sa opisina.

            “Ay…sorry.” At mabilis ko namang isinuot ang id. Tumango at ngumiti lang siya ulit, saka ako mabilis na lumakad.

            Maaga pa ko ng fifteen minutes bago ang first subject. Minabuti ko na lang na tumambay sa bench malapit sa main entrance. May mga kaklase na ring dumating, kaya ayos na rin. Ang kaso, hindi ko naman sila ka-close. Katanguan at kangitian lang. Iba ang trip nila, iba rin ang mundo ko. First year pa lang kami, hindi na ko nakikihalubilo o kwentuhan sa kanila. Mas madalas na si Bryan o Ada lang kausap ko. O kaya ang glee club. Kaso graduate na yung iba kaya bawas din ang katropa ko ngayon.

            Pero hindi ko naman sinasabing suplado ako o namimili ng pakikisamahan. Siguro may mga tao lang talaga na mas okey kausap, at meron namang mas okey na kakilala na lang. Hindi ako friendly at hindi ko rin ugaling unang mag-approach sa hindi kakilala. Hindi rin ako masamang tao. Pag kinausap ako, sasagot din naman ako, pag ganun lang ang eksena.

            Sabagay, ganun naman talaga ang groupings ng isang klase. Magkakasama ang pare-pareho ang trip sa buhay. Gaya ng mga nerds. Sila yung grupo ng mga estudyanteng walang ibang trip sa buhay kun’di magsunog ng kilay, perfect attendance, active sa lahat ng projects, maya’t maya nagtataas ng kamay pag may recitation, laging nakapaskil ang pangalan sa pader dahil ‘matalino’, high score sa mga quizzes at exams at higit sa lahat, madalas na teacher’s pet.

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon