Chapter 29

461 10 2
                                    

Ilang buwan ang nakalipas na parang walang Lyla na umalis. Dumaan ang pasko at bagong taon na namuhay ako ng medyo normal. Pumasok ang last sem na may kulang. Malaking kulang. May mga oras pa rin na nagbabaka-sakaling sumulpot si Lyla sa dati naming tinatambayan. Inaantay ang pagtapos ng klase niya, kahit alam ko sa sarili kong wala na talaga siya. Buti nga at natapos na rin ang mga tanong na “San na si Lyla?” at “Break na daw kayo?”. Tinatamad akong magpaliwanag at useless na rin naman kaya madalas ko na lang isagot na nasa amerikana na nga si Lyla at dun na mag-aaral, ‘pero’ babalik din ‘daw’.

                Sana nga. Pero ayokong paasahin ang sarili ko.

 

                Hindi na ko naghabol sa pag-alis niya. Umasa ako na magpapaalam siya bago siya umalis, pero bigo ako. Walang e-mail, tawag o text na nakaalis na siya. Pero siguro okey na din yun. Di na gaanong masakit. Isinama ko na nga sa basurahan ang mga remembrance niya. Kelangan ko ng tanggapin sa sarili ko na wala ng Lyla-ng babalik. Kung meron man, baka nakalimutan ko na siya sa panahong yun.

                Minsan napapahinto na lang ako pag naririnig ko ang my immortal. Gusto kong isipin na ang pangit-pangit ng kantang yun. Pero talo ako. Intro pa lang, mukha ni Lyla agad ang pumapasok sa isip ko. Nasa-summarize ko ang mga panahong magkasama pa kami mula intro hanggang matapos ang kanta. Shit.

                Sinalubong ko ang huling sem ng bagong tabas ang buhok. No choice, required sa OJT. Pigil na pigil pa ang pagpasok ko ng salon nun. Naitago ko naman ang huling tabas para maging remembrance. Marami ang natawa at nanibago, pero meron din naman pumuri at naka-appreciate, lalo na si Ada. Mas okey daw, malinis tingnan. Last minute na nga ang paghahanap ko ng OJT kaya sa city hall ako bumagsak. Pero ayos lang, di naman mabigat ang trabaho ko. Pa-type-type lang. Pa-assist-assist. Minsan tipid pa sa pagkain dahil madalas binibilhan na ko. Umaga nasa city hall ako, pagdating ng hapon diretso ako ng school. Minsan ginagabi na rin para paglamayan ang thesis na last minute na rin natapos. Ganun lang ng ganun lumipas ang last sem. May mga oras pa rin na naisisingit ko ang alaala ni Lyla. Sayang, di niya nakita ang bago kong hairdo.

                Dalawang linggo na lang, graduation na. Naka-survive ako kahit parang naga-alangan ako sa mga grado ko. Himalang naipasa ang thesis kahit nakailang iling at kamot sa batok ang buong panel. Natapos ang OJT ng parang wala lang. Tinapos ko ang huling sem na parang hindi ako ang kumikilos. Mabuti na nga lang at kahit busy e nakakapag-bonding pa rin kami ni Ada. Walang araw na hindi kami magkasama para magkwentuhan. Pero hindi rin naman nakaligtas sa kanya ang malaking pagbabago ko simula ng umalis si Lyla. Pansamantala daw nawala ang dating bestfriend niya, pero ayos lang daw at naintindihan naman niya.

*             *             *

“Remember me this way? Ano ‘to, high school? Sino nag-suggest nun? Korni ang puta.”

                “Wag ka ng umapela, yun na yung nakalagay sa program. Tsaka, hello, kanta lang yan no? Kung makapag-react ka naman parang yan na theme song mo.”

                “Wala na ba silang ibang maisip at kelangan pang-high school talaga ang kanta?”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon