Chapter 1

824 7 0
                                    

"Si Lyla ba may syota na?"

"Lyla? Sinong Lyla?" tanong niya pero hindi ako nililingon. Bising-bisi sa pangongopya ng lecture. P.E .subject pero ewan kung bakit pati yung lecture e kelangang pisikalan ang pagkopya.

"Walang'ya si Lyla 'di mo kilala? Yung maliit na maputi tapos medyo kulot yung buhok? Sa room 103?"

Kumunot ang noo, "Sino yun?"

"Putang...yung tinuro mo sa'ken na crush mo? Sabi mo sa'ken na simple lang pero malakas ang dating? Yung pinopormahan ni varsity?" medyo napalakas na ang boses ko sa inis. Napatingin naman si Sir Moran pero hindi naman ako sinita. Mabuti na lang.

"Yung IT ang course?"

"Yun nga!"

"Ah...haha...Lyla pala pangalan nun," medyo natawa at napatigil sa pagsusulat. "Parang wala pa...kaso laging nakadikit si varsity. Hinahatid hanggang terminal," nagpatuloy sa pagsusulat, "Ba't mo natanong? Tsaka pano mo naman nalaman na Lyla nga pangalan nun?"

Bahagya kong inilapit ang ulo ko sa kanya saka ako bumulong "Tinanong ko kay chief nung isang araw. Akala ata didiskartehan ko ang puta."

"Oh? E ba't biglang naging interesado ka sa kanya?"

"Wala naman..."

"Huuu...mukha mo! Wala daw..." Napalakas din ang boses kaya napatingin ulit si Sir. Deadma ulit.

"Tangina pala nito tinatanong ko lang e..."

Bagong lipat na estudyante si Lyla sa campus ngayong second sem. Bali-balita e galing pa siya ng maynila. Ewan kung yung mga kamag-anak niya e taga dito sa 'Gapo kaya dito na lumipat. Hindi naman ganun katindi ang kagandahan niya, pero maraming lalake ang umaaligid sa kanya. Hindi crush ng bayan. Hindi pantasya ng bayan. Hindi rin naman pam-model sa height na 5'4. Hindi rin nabiyayaan ng pam-model ng shampoo ang buhok. Simple lang, na halos wala din naman maipagyayabang na asset sa parte ng katawan, maliban sa aura niya na ewan kung bakit ang lakas-lakas ng dating sa'ken. Siya yung tipo ng babae na kahit hindi pa ata naghilamos at nagtu-toothbrush, talagang may natural na ganda.

Ang balita ko e marami na rin ang sumuko sa panliligaw sa kanya. Ayon na rin sa mga nakalap na impormasyon (o tsismis), prangka kung mam-basted si Lyla. Pag ayaw, ayaw. Mas madalas na tumatanggi sa mga alok na date, o kahit sabayan na kumain sa kung saan man siya kakain pag breaktime. Kesyo gwapo ka o may sarili kang kotse, o kahit na nagniningning ka sa mga alahas, wala siyang pakelam. Hindi rin basta-basta pinamimigay ang cell number. Hindi naman siya mukhang suplada o mataray. Hmm...medyo loner, siguro. Kaya lalo akong na-curious sa kanya.

Sabagay nung una hindi ko siya pansin. May iba kasi akong gusto---si Karen. Kabaligtaran ni Lyla, crush at pantasya ng bayan si Karen. Ikaw ba naman biyayaan ng nakaka-manyak na katawan, samahan mo pa ng maputing kutis at mala-artista ang mukha, ewan ko na lang kun'di ka magkasala ng wala sa oras. Medyo hawig niya yung bida sa isang koreanovela, di ko lang matandaan yung title. Ayun, ang daming mata at dila ang nakapako sa kanya everytime na rarampa siya sa campus. Yung mga manyak, parang scanner ang titig sa katawan mula ulo hanggang paa, at pabalik. Yung mga alagad ng beki, as usual deadma. Sa tindi ng aura, walang hindi nakakilala sa kanya sa campus. Bali-balita pa nga na lihim ding pinopormahan ni Sir Cinco (teacher namin sa communication skills 1, na mahilig din magbigay ng singkong grado) na muntik-muntik na ring masipa kun'di lang nagmakaawa.

Freshmen pa lang ako e aminado na kong isa ako sa mga napapa-punyeta kay Karen everytime na nakikita ko siya. Kaso hanggang lingon, sulyap, titig at tingin lang ang nagagawa ko. Wala sa target ko ang pantasya ng bayan. Takaw-away kasi. At isa pa, mahirap makikompetensya sa katulad kong estudyante lalo pa na hindi naman ako popular o varsity. Hindi rin ako sikat sa kahit anong larangan. Member lang ako ng glee club bilang gitarista. Ano naman ang laban ko sa mga boy next door at mga anak ng senador kung umasta? Isa lang naman akong common na estudyante na walang ibang pangarap sa buhay kun'di gumradweyt kahit consistent na tres ang grado sa card. Basta pumasa, tapos.

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon