Chapter 17

518 8 0
                                    

“Ano, excited ka na ba?” ngingiti-ngiting tanong ni Ada sa’ken habang namumudmud ng pagkain sa mga bata. Katatapos lang nila magturo. Dating gawi, kainan na ang kasunod. Ako naman, dakilang assistant ng mga nagtuturo. Taga-abot ng mga gamit. Di kami nakapagkwentuhan ni Lyla dahil nagtuturo din siya.

            Ikinuwento ko na kay Ada ang date namin mamaya ni Lyla. Infairness, mas excited pa siya kesa sa’ken kahit medyo nagtampo. Bakit hindi ko raw agad sinabi sa kanya.  Sinabi ko naman na hindi pa naman sigurado kaya di ako agad nagkuwento. Naintindihan naman niya ang point ko. Baka nga naman maudlot pa, mapahiya pa ko. Kaya panay na ang pangungulit magmula pa kanina sa jeep. Hindi na nakapag-antay na makarating muna dito sa Iram bago ko ikuwento kaya halos pabulong lang ang usapan namin. Ayokong may makarinig sa date namin. Mahirap na, baka matsismis pa. Baka isipin ni Lyla pinagkakalat ko yung lakad namin. Kaya si bespren, inulan ako ng mga sobrang advance na tanong na may kasama pang advice.

 

            “Sa’n kayo kakain? Sa fine dine na lang para tahimk. Makakapagusap pa kayo ng maayos…”

 

            “Marami ka bang budget? Baka ma-short ka. Sagot mo pamasahe niyo para good shot agad…”

 

            “Yaan mo siya sa oorderin niya. Baka di niya magustuhan yung alok mo, mapahiya ka pa.”

 

            “Pag sinabi niyang kahit saan, wag ka na mangulit. Yun na yun…”

 

            “Manunuod pa kayo ng sine? Wag na! Walang magandang palabas. Tsaka masasayang lang pera nyo kung magkukuwentuhan lang din kayo dun…”

 

            “San kayo tatambay? Yayain mo na lang sa boardwalk. Mas romantic dun, tahimik pa…”

            Medyo malas nga lang dahil hindi kami magkasama sa dyip kanina ni Lyla. Napuno agad kaya yung kasunod na dyip kami sumakay ni Ada. Okey na rin, medyo safe yung kwentuhan.

            “P’re, isang linggo na kong excited…” sagot ko.

            “Kaya pala iba porma mo ngayon a. Medyo maayos-ayos. Di nga ako sanay e,”

            “Panget ba?”

            “Wala akong sinabi. Okey na nga yan, atlis mas malinis tingnan,”

            “Ah ganun? Ibig sabihin madumi ako pumorma?”

            “Ikaw nagsabi niyan…”

            Sabagay, kahit ako naninibago sa porma ko ngayon. Himalang nilabhan ko kasi ang chuck taylor ko makalipas ang halos isang taon. Simula ng bilin ko to, di pa to nakakatikim ng linis. Medyo luminis lang to nung isang beses e sinugod ko sa baha. Medyo nakokornihan nga ako pero okey na din. Di na nakakahiya ang itsura. Pati tong polo shirt kong blue, binili ko pa pagkapadala ng pera ni erpats. Nakakailang. Di kasi ako sanay sa mga damit na may kuwelyo. Etong maong ko naman, tinanggalan ko na lang ng himulmol yung laylayan. Puro tastas na kasi kakagasgas. Eto lang kasi yung medyo matino kong pantalon. At himalang nadaanan din ng plantsa. Yung polo ko kasing pamasok lang ang pinaplantsa ko. Yung mga pants, bahala na.

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon