Chapter 27

552 10 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Tumatawag si Lyla. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng siyesta kaya halos mapabalikwas ako sa ringing tone. Bibihira pa man din siya tumawag unless kelangan na kelangan talaga.

            “Hello? Hello? Mahal? Bakit?”

            “Hello, may ginagawa ka ba?” matamlay ang boses niya. Naririnig ko din ang maya’t maya niyang singhot.

            “Wala naman, kakagising ko lang din. Bakit? May problema ba?”

            “Punta ka dito sa bahay, kung okey lang sa’yo.”

            Ayan na naman siya. Ura-urada na naman mag-aya.

            “Okey. Anong meron?”

            “Basta, punta ka na lang. Please?”

            “Okey, sige. Maliligo lang ako. Teka, umiiyak ka ba?”

            “Natatandaan mo pa ba papunta dito kila Tatay?” di pinansin yung tanong ko. Salamat.

            “Medyo, siguro. Magte-text naman ako pag pababa na ko ng bus.”

            “Sige, text ka na lang. Bye.” Sabay baba ng cellphone.

            Wow. Ang bilis ng transaction. Ganun-ganun lang. Siyempre ako naman si tanga pupunta. Kelangan e, boyfriend ako e. Para saan pang naging-boyfriend ako kung aangal pa ko? As if naman makakaangal pa ko. Tsss…

            Makaligo na nga. Dami pang sinasabi.

*           *           *

Malayo pa lang, kita ko na yung mga lamesa at upuan sa tapat ng bahay ng tatay ni Lyla. May malaking trapal na nakasabit sa tapat mismo ng mga upuan at mesa. May ilang taong nakaupo, nagkukuwentuhan, nagkakape. Andun din yung tatay ni Lyla, kausap yung ilang bisita ata. Halos magsikip pa yung daan sa mga nakaparadang sasakyan.

            Sinalubong naman ako ng tatay ni Lyla ng makita ako pagkababa ng tricycle.

            “O, kamusta biyahe? Mabuti natatandaan mo pa papunta dito?”

            “Ka-text ko naman po si Laleng kaya na-guide din naman po ako.”

            “A, mabuti naman. Lika na sa loob, andun si Laleng sa sala. Kumain ka na ba?”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon