Julia: My Buhay

309 13 0
                                    

Pinag-iingat po ang lahat sa laganap na kidnapping sa bansa. Hindi malaman ng mga awtoridad ang dahilan sa biglaang pagkawala ng mga tao, lalo na't hindi rin matukoy kung ano ang ginagamit ng mga suspect na midyum sa kanilang pangingidnap. Kaya hangga't maaari kung wala po tayong lakad sa labas ay huwag nang lumabas upang maging ligtas at malayo sa peligrong dulot ng mga kriminal na ito. Kung hindi naman pong maiiwasan na lumabas eh maging alisto at maging maingat na lang sa lahat ng oras.

Pinatay ni Kuya Albie yung tv habang nanunuod ako ng balita. Ambastos talaga nito.

"Kuyaaa!! Nanunuod pa ako ng news pinatay mo agad!" alulong ko habang nagtatantrums na naman na parang bata. "Nakakainis naman eh!"

"Umayos ka nga Jules. At kailan ka pa nanood ng balita eh lagi namang teledrama mga pinapanood mo." sagot naman ni Kuya Albie. Lagi na lang niya ako binubully. Nakakaasar!

"Kahit pa! Hindi mo dapat ginagawa iyon!" dagdag ko pa. Eh kasi naman! Bakit ba lagi na lang niya akong inaaway.

"Pumunta ka na sa Quiapo at hinihintay ni Mama yung mga paninda niya!" sabi niya sakin. Shocks! Oo nga pala nakalimutan ko! "Ang mahal mahal na ng binabayad natin sa kuryente tapos nood ka pa ng nood ng TV diyan!" dagdag pa ni kuya.

Tumayo na ako at nag-ayos. Grabe naman pala! Ang dami ko pa palang gagawin ngayon kahit 4:30 na. dadalhin ko pa itong mga bracelet at rosaryo kay Mama. Haaay! Sige na nga makaalis na!

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now