Dat feeling... X_X

162 16 3
                                    

Hi guys! Basahin niyo na rin yung Love Spies written by me! XD

JulNiel din iyon. Kaya masaya. Tingnan niyo na lang sa works ko. Marami nang parts iyon. Mas marami kaysa dito.

Active kasi imagination ko ngayon kaya please pakibasa na din! Salamat!!! :)

0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0

+Julia's POV+

Isang kakila-kilabot na tili ang nagpayanig sa puso ko. Napapikit ako sa sobrang pagkakilabot. Grabe.! Mukhang matotrauma ako nito.

"Daniel? Sir Albert? Ano iyon!???" tanong ko.

"Hindi ko alam! Sir Wilbert!!?? ANO PO YUN!" tingnan mo to. Pati pala siya natatakot din.

"Ganyan ang naririnig ko araw-araw. hindi lang tayo ang preso dito. Inisip kong mabuti ang bawat pangyayari, pero puro hypothesis lang ang nabubuo ko."

"Hypothesis? Gaya po ng ano?" tanong ko naman.

"Sa tuwing may titili kagaya ng ganyan o sa tuwing may sisigaw diyan, palagi na lang nilang sinasabi 'ILAYO NIYO YAN SA AKIN!' . Sa tingin ko, hindi basta-basta pagpatay ang ginagawa nila sa mga biktima. May iba pa" paliwanag naman sa amin ni Sir Albert.

"Sa tingin niyo po, ano yung bagay na pinapalayo ng mga biktima?" tanong naman ni Daniel.

"Iyon ang nananatiling misteryo para sa akin. Kailangan ko pang makahanap ng iba pang factors na pwedeng magpadugtong-dugtong sa mga naiisip ko." sabi niya. "mga bata, matulog muna kayo. Wala na muna tayong magagawa. Malamang, patay na ang tumili na iyon. Hindi rin kayo agad-agad papatayin dahil ang isa ko pang hypothesis, mga taong matagala nang nakakulong dito ang pinapatay nila. Bale by chronological." dagdag pa niya at bigla naman siyang natulog.

Ang weird lang kasi, tulog na tulog agad siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

"Daniel? Sabihin mong makakaligtas tayo dito" sabi ko sa kanya kasi 200% na talaga ang takot ko dito. Hindi na ako mapanatag. Para kasing ang hopeless na namin. Wala na kaming pag-asa.

Pero nagulat naman ako sa sagot ni Daniel.

"Makakalabas tayo dito Julia. Magtiwala ka lang. makakahanap tayo ng paraan"

At wala na nga akong nagawa kundi ang matulog.

.

+Daniel's POV+

Syet. Para kaming naghihintay ng katapusan dito. Kailangan kong maghanap ng paraan. Kailangan naming makatakas dito.

Lingon lingon sa paligid. Naisip ko lang. Paano kami nakakahinga dito? Maliit lang yung kwarto pero iisa lang ang pinto. Maliit din iyon. Kaya dapat nasosuffocate na kami dito. Pero hindi. hmm. Hanap ka lang Daniel. Linawan mo lang ang mata mo.

BINGO.

May bintanang natatakpan ng plywood sa may taas namin. Natatakpan ang liwanag pero ang hangin hindi. Meaning, iyon na ang route namin ng pagtakas. Ayokong magrisk na sa pinto kami lumabas mamaya niyan iyon pa ang magpadali sa buhay namin.

"hashhsescxhcsassssh"

SYEHT! ANO YUNG NARIRINIG KO!!!??

"hashhsescxhcsassssh"

Please. tantanan niyo ko. Please. Hindi ako naniniwala sa multo.

"shhhhsheshahsh.. i'll shexsezehh.. help shhhehshcshhxcexh... you.."

YIGRGIRGRRR!!! Pinikit ko na ang mata ko. Gusto kong matulog. Ayokong makarinig ng mga ganyang boses. Kahit lalaki pa ako, may kinatatakutan pa rin ako. Tao lang din ako.

Please Daniel. Matulog ka na. Please lang.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sorry po. Late UPDATE and SHORT UPDATE.

Busy lang po kasi. And ito lang talaga para sa chapter na ito. Hehe!

Guys. Pakibasa din yung Love Spies ko.. Eto link.

http://www.wattpad.com/story/13941991-love-spies-julniel-kathniel-fanfic

NASA WORKS KO DIN PO YAN. On going. Sana po suportahan niyo rin po! Salamat!

VOTE NA.

COMMENT PA.

UPDATE KO PA! :)

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now