New Members.. este Victims

141 15 1
                                    

Sorry po very LATE UPDATE.

Sa mga bumabasa nito, wow. I honestly want to thank you all. :') Pati pala po yung LOVE SPIES pakibasa din. hahaha! KathNiel and JulNiel din un. :))) SALAMAT!!!

Okay. Enough speech.

Nga pala, comment kayo ah? Yung mga magcocomment po ay isasama ko sa later part of this story. Don't worry napakarami pang mangyayari dito kaya sana po suportahan niyo lang! :)

Read na!

0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0

+Julia's POV+

Tinanggal na yung tali namin sa kamay. Kaming tatlo nina Daniel at ni Sir Albert ang nandito sa room. Wala pa ring imik ang mga taong kumidnap sa amin. For sure, nagdedeliryo na sina Nanay at kuya Albie sa paghahanap sa akin.

Matagal na kaming nandito ah. Almost 2 days? Grabe. Dinadalhan naman nila kami ng pagkain. Kaso palaging dinuguan. I don't know pero naiisip ko mga kababalaghan tungkol sa ulam na ito. One time kasi may isang bilog na bagay doon. Nawalan ako ng gana nang maisip kong part iyon ng katawan ng tao. Eeeeew.

Buhat noon ayoko nang kumain. Nawalan na ako ng gana.

Naglalakad lakad na ako sa room. Nakakangawit ang pagkakatali sa amin.

Maya-maya, bigla akong kinalabit ni Daniel.

"Julia. Makinig ka. Tatakas tayo." bulong niya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero kailangan nga naman naming gawin iyon.

"Pero, Daniel, paano naman natin gagawin iyon?"

"Dadaan tayo sa bintana."

Tapos tinuro niya yung bintanang tinakpan ng plywood.

"Okay. Pero paano naman natin matatanggal ang plywood na yan? Oo kasya tayo pero paano ka nakakasiguro na ligtas tayo pag diyan tayo dumaan?" sabi ko naman. Siyempre kailangan ko ring makasigurado.

"Uhmm. Ang totoo, hindi ko rin alam. Pero.."

Bigla naman akong kinilabutan. hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang akong nanlamig. Parang may hangin na dumampi sa akin. At natakot naman ako lalo nang makitang nanlaki ang mata ni Daniel at nakatitig siya sa likod ko.

Nang lumingon naman ako, napanganga ako sa nakita ko. Napaatras din ako.

May sumusulat kasi sa pader. Pero wala namang tao. Sulat dugo at nakakatakot. MAY MULTONG NAGSUSULAT SA PADER!!!! Napasandal na ako kay Daniel. Pero nakafocus pa rin kami sa kung ano ang nakasulat sa may pader.

Tutulungan ko kayo.

Napanatag naman ako kahit na kinikilabutan ako. At ramdam ko ganoon din si Daniel.

Bumalik naman yung boses ko.

"uhmm.. Kung sino ka man.. Ah... Pwede ba naming malaman kung paano mo kami matutulungan?" sabi ko na lang. Nababaliw na nga siguro ako pero wala na rin naman akong magagawa. Kailangan naming makalabas dito nang buhay.

Bigla namang may sumulat ulit sa pader. Medyo nawawala na rin yung takot ko nang malaman ko na kakampi namin siya. Kung sino man siya.

Huwag kayong dadaan sa bintana. Tanging pinto lang ang paraan...

Iyan pa lang ang naisusulat nang biglang bumukas ang pinto. HALA! BAKA MABASA NUNG KALBONG KIDNAPPER YUNG NAKASU~...

Gasp. Biglang nawala yung sulat sa pader.

Pumasok ang isang lalaking nakita namin noong una at may pinasok pa siyang dalawa pang tao. Isang lalaki at isang babae. Pero kaedad namin sila.

"OH EM GEE.. You're hurting me! Bitiwan mo ko!" sabi nung girl.

At bigla namang umalis ulit yung lalaki.

Tinulungan namin yung mga bago naming kasama.

"Ugh. Why am I in this place! Mainit!" sabi ulit nung girl. Mukhang Inglesera ito! Naku maghanda ng tissue. Napatingin naman siya kay Daniel at mukhang na-love at first sight.

Pero bakit pareho silang nagulat?

"Kath?!!!"

"Daniel!!?? OMG Nandito ka lang pala??"

"Ayos ka lang?" tanong naman ni Daniel habang inaalalayan niya si Kath.

"Matagal ka na naming hinahanap. Sabi na nga ba eh. Okay ka lang? Ano bang ginawa nila sayo?" madaming tanong ni Kath kay Daniel.

"Wala PA naman. Pero kailangan na nating makaalis dito" sabi naman ni Daniel.

Mga artista ata tong mga to eh?? Bakit hindi ko sila kilala??

Wait. Napalingon ako doon sa isa pang bagong 'biktima'. Hindi pa siya tumatayo. Lumapit na ako sa kanila.

"Ayos ka lang?" tanong ko habang inaalalayan ko siyang tumayo.

HALA! May dugo sa may tiyan niya..

"Hala! Anong nangyari sayo kuya?" sabi ko habang tuluyan ko na talaga siyang inalalayan. Napalapit na rin si Daniel para tulungan kami.

"Arg.. Nasaksak ako eh. Tinry kong kunin yung kutsilyo sa may belt nung lalaki eh. Pero nakita nila ako agad kaya ako ang nasaksak." sabi niya.

Tinayo na siya ni Daniel.

"Tsk. Tsk. Hinay hinay muna tayo guys. Kailangan lang nating makaisip ng plano para makatakas tayo dito" sabi ko naman. Proud ako eh.

"Ako pala si Enrique. Quen for short." pakilala nung nasaksak.

Hmmm. Medyo cute siya ha? HAHA!

"Ahhh.. Grabe.. May bago na naman silang dinagdag sa list of victims nila." sabi ni Daniel.

Kath: "Hmmm. Anong name mo?"

Ay. AKo pala tinatanong.

"Ahhh. Julia po. Ms. Kath? Tama po ba?"

"Yes." pero bigla na lang siyang lumingon kay Daniel. "Nakakatakot dito DJ.." Nagpout pa siya.

What the?? Hindi siya mukhang natatakot. Mukha lang siyang nanglalandi. (-_-)

"Makakatakas din tayo dito. At may katulong tayo"

"Katulong?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan muna ngayon guys. Ipagpatawad niyo. Masyadong maikli.

Sorry po sa very late update. Naospital ako ee. :(

Pero ayos na! Kaya continue spree na ulit ako! :)

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now