Daniel: My Buhay

227 14 0
                                    

"Sige! I-push mo na yung Mid! Dalian mo hangga't hindi pa nagrerespawn ung Traxex!" naiinis ako kasi ang noob ng mga kakampi ko. Ni hindi man lang marunong maglaro. Nakakahiya. Hinubad ko na rin yung suot kong headphones mainit na sa tenga.

"Oy DJ mag-iingat ka na sa labas ha. Napanood mo ba yung balita ngayon?" sabi ni Mama sa akin. Para namang ewan ni hindi nga ako nanunuod ng balita. Yuck.

"Bakit Ma? Anong meron?" tanong ko naman.

"Tantanan mo na kasi yung paglalaro ng DOTA na iyan. Yan tuloy wala ka nang pakialam sa mundo." medyo nainis ako sa sinabi niya na yun ah. "Maraming nakikidnap ngayon sa labas anak. At wala pang naibabalik na buhay. Hindi rin kilala yung mga kidnappers at hindi rin alam kung ano ang modus nila"

Nakikita ko at nararamdaman ko namang nag-aalala lang si Mama para sa akin pero...

"..pero Ma, artista ako. Kapag may nangyaring masama sa akin, buong bansa magtutulong-tulong para mahanap yung mga kriminal" rason ko. Pero mali pala.

"Oh tapos paano ako? Kami ng Papa mo? Mahuhuli nga yung kriminal. Eh ikaw? Patay naman?" Oo nga no. Hindi ko naisip.

"Mama, wag ka nang mag-alala" tumayo ako at niyakap ko si Mama. Parang maluluha na to eh. "Iingatan ko po ang sarili ko. Wag po kayong mag-alala".

"Oo na. Ipangako mo yan anak. Kasi hindi ko talaga kakayanin." sabi niya sakin at hudyat na siguro yun para humiwalay na ako sa kanya. "By the way, wala ka bang schedule this week?"

"Wala po. I think dahil sa Mahal na Araw ngayong linggo kaya busy ang lahat sa kanya-kanyang business" sabi ko. Diba si Mama din ang nagsasabi ng sched ko? Bakit parang nakalimutan niya ata? Haay. Tumatanda na nga ata.

"Kung ganon, gusto ko man lang makasimba sa Quiapo church bukas. Samahan mo naman ako."

Wait wait wait. Ako? Sasama sa maduming place na iyon? Si Mama pwede pa kasi talagang relihiyoso siya. Ako hanggang kama lang ako nagpepray. Pero Quiapo? Medyo eew.

"Ahhh, ehh. Mama, hindi pa pwedeng kay JC ka na lang magpasama? Total wala naman siyang pasok bukas. Siya na lang Ma" pilit ko.

"Oo nga. Kasama siya. Siyempre anak kita. Kaya kailangan kita do'n. Sige na anak. Promise, hindi ko na kokontrahin yang pagDoDOTA mo kapag sumama ka sakin bukas" pangako naman ni Mama. Ayokong pumunta sa Quiapo, pero,,, mukhang maganda yung deal niya.

"Hmm. Sige po. Basta deal natin ha?" sagot ko naman at tumango naman siya.

Haaay salamat! MakakapagDOTA na ko in peace!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Quiapo is the place. Quiapo is the place. I'm so excited na!

Magcomment lang kayo kung may suggestions or anything na sana hindi ikasisira nito ah!? Salamat!

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now