Julia: Ah Siya pala yun!

193 13 0
                                    

Ang tagal naman ni Kuya. Magpapahatid pa naman ako sa kanya papuntang Quiapo. Ang hirap-hirap dalhin nung mga paninda. Nasaan na ba yung bully na yun?

Haaay. Dadalhin ko na nga lang to sa may gate para hindi na siya pumasok. Napakagentleman talga n'un. At ang bigat huh? Urgh. Konting lakad lang ginawa ko pero nakakapagod na. Paano pa kaya sa Quiapo, maglalako pa kami ni Mama. At buti na lang pala dinala ko ang mga ito dito. Kasi naghihintayan pala kami ni Kuya. Nakatayo siya doon sa may gilid ng gate namin.

"Ang tagal mo namang gumayak! Kanina pa ko naghihintay dito. Hawak mo na naman yung telepono ano? Nakipagtelebabad ka na naman kay Miles?" sabi pa niya sakin. Kung hindi ko lang kuya to eh pinasagasa ko na to sa PNR eh.

"Wow kuya. Hinihintay din kita sa loob. Akala ko ikaw magbibitbit ng mga ito eh. Ambigat kaya. Try mo kaya akong tulungan?" ganti ko sa kanya.

Kinuha naman niya at nilagay sa tricycle namin, este ni Tatay na, oo, wala na't iniwan na kami.

"Diyan ka na sa loob sumakay at masisilipan ka na naman dito salikod" bilin sa akin ni Kuya Albie. Common sense naman diba. Siyempre hindi ko hahayaang masilipan ako. Duh.

Sumakay na ako at sinimulan nang magmaneho ni kuya.

Grabe ambilis magdrive ni kuya. Parang mga 30 minutes lang nandito na agad kami sa tapat ng simbahan. Kaya minsan nahuhuli ng pulis itong si kuya eh. Masyadong reckless kung magdrive. Eh tricycle lang naman yung minamaneho niya. Psh.

Maya-maya, habang dala-dala ko na yung mga paninda namin, huminto muna ako. Nakakapgod kaya! Si kuya naghihintay lang sa tricycle. Malamang naghahanap na naman ng maliligawan. Ang garapal talaga. Haaay, ipagpapatuloy ko na nga lang yung pagdadala nito. Bakit ba ang ingay ng mga tao dito ngayon. Tili pa nang tili. Nauubos na ang pasensya ko. Dati naman hindi naman ganito kaingay kapag Huwebes Santo.

At may bumunggo pa sakin!! Hmph! Sino ba tong hinayupak na to?

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hmmm.. Mukhang this is it!

~James

Comment comment na!

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now