Daniel: Arg! Sabi na malas dito eh!

195 13 0
                                    

May nabunggo pa akong babae. Nakakainis! Tinatakbuhan ko na lang yung mga humahabol sa akin na mga babae. KathNiel fans siguro. Pero grabe naman kasi makatili at makahatak! Hindi po ako ang Poong Nazareno! Alam ko gwapo ako pero hindi niyo kailangang isigaw sa tainga ko! At ang sakit nung pagkakabunggo sa akin ah? Sino ba to?

Aba. May ibubuga. Maganda. Hmm. Kaso medyo ang pangit lang ng suot pero maganda. Chixx spotted! Kaso wala ako sa mood mambabae ngayon. Kailangan ko munang magtago sa mga humahabol sa kin ngayon. Takbo na!

ANg bilis ko pala tumakbo. Ganito talaga pag habulin ng mga babae. Hehe. Kaso bakit parang may something sa paa ko? At kasunod ko pa yung chick kanina. Grabe iba na talaga charisma ko! Pero ambilis din palang tumakbo nung babae na yun? Athlete siguro. Atleast,... Hahaha!

Pero bakit parang...

"ARAAAYY!!!" ang sakit nung pinalo niya ko ng bote sa ulo ah? Pero plastic lang naman yun. Pero may lamang tubig kaya masakit pa rin!

"Magnanakaw ka! Ibalik mo na dali!" sabi pa niya sakin. Ako na ang hinampas niya, ako pa yung magnanakaw? Ako pa yung masama?

"Teka teka miss. Wala akong ninakaw sayo. Kiniss ba kita? Ninakawan ba kita ng halik?" sabi ko sa kanya. Parang hindi ako kilala nito ah?

"Ano?! ANong halik ka diyan! Yung mga paninda namin! Amin na!" Anong paninda? ANong pinagsasabi niya?

Teka. May sumasabit talaga sa paa ko. Ano ba to?

... Ah. Eto siguro yung hinahanap ni ganda. Ano ba itong nasa plastic? Mga rosaryo?

"Ayan! Pakibigay naman sa akin at nang maibigay ko na kay Mamatinuro niya itong hawak kong plastic. Ibingay ko naman agad sa kanya. Madumi eh.

"Buti naman at naisipan mong ibalik sa akin." sabi niya at tumalikod na nang makuha na yung mga rosaryo. Aba teka sandali. Parang hindi niya talaga ko nakikilala.

"Teka lang miss. Hindi mo ba ako kilala?" nakakaloko kong tanong. Saka nagtataka na rin ako at wala nang sumusunod sa akin na mga babae.

"Ikaw? Ikaw yung magnanakaw ng mga paninda namin?" sabay tawa niya. Aba loko to ah.

"Hindi mo talaga ako kilala?" lumapit ako sa kanya at nagpamewang ako. Nakakinis eh. Akala ko ba sikat na sikat na ako pero bakit isang tindera hindi ako kilala.?

"Teka lang kuya hindi kita kilala. MArami pa akong gagawin at magbebenta pa ako. Sige na babye" at nagmamadali pa siyang umalis. Anak ng bituin.

Hindi ko napansin nandito na pala ako sa may underground kaya wala masyadong tao. Kaya siguro hindi na ako sinundan ng  mga babae kanina. Sayang.

Buti na lang may Zagu dito. Makabili nga kahi.. TEKA??? Nasan yung wallet ko?

.

.

Hanap. Hanap. Patay. Nanakawan ako! Sabi na malas ako sa lugar na ito eh!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Malas nga ba Idol? :P May nakita ka ngang chixx eh. haha! Hi Ate Marikit! Sana mapnsin mo ko! :)

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now