Malas Po

166 16 2
                                    

==Julia's POV==

Grabe napagod ako kakahabol sa lalaking iyon. Parang kabayo! Sobrang tulin kung tumakbo. Kasi naman medyo shunga at nagmamadali pa. Akala mo naman... ayy.. Oo nga marami ngang humahabol. Bakit ba? Gano'n na bang kaliberated ang kababaihan ngayon at kapag may nakita lang gwapo pagkakaguluhan nila? Wagas ah? Pero infairness gwapo nga yun.

Napatingin ako sa hawak ko. SHOCKS! OO NGA PALA! DADALHIN KO ANG MGA ITO KAY MAMA! Bakit ko pa kasi nakalimutan!

Tumakbo na ako nang mabilis at hinanap ko kaagad kung saan naka[westo yung tindahan namin ni Mama. Paiba-iba kasi yung pwesto namin. Para siyang kariton - o sige hindi na ako mahihiya. Kariton lang talaga siya pero maganda naman. Pininturahan namin ni Kuya yun ng kulay maron para maganda o diba.

"Bakit ka nagtagal Anak?" bungad sa akin ni Mama nang makita na niya ako.

"Ahhh kasi po may bumunggo po sa akin tapos nadala niya yung paninda natin. Pero nabawi ko naman po agad kaya lang nasira po yung plastic eh" sabi ko naman sa kanya

"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman po. Yung pwet ko po medyo masakit kasi tumumba po ako pero ayos lang. Tara na po tinda na tayo" sabi ko habang inaayos na ang mga rosaryo sa kariton.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

==Daniel's POV==

Takte talagang buhay to oh! May kumuha ng wallet ko. Paano ako makakauwi niyan? Arg! Yung cellphone ko na kay Mama. Asar talaga!

Pero kahit papaano nakita ko naman yung chick kanina. Hmm, siguro may problema sa pananamit niya pero talagang maganda siya. Maistalk nga minsan. Hehe.

Hala! Ano to!

May rosaryo ako sa may sapatos ko. At mukhang kakaiba ito doon sa mga rosaryong nakita ko sa may plastic. Weird. Baka makita ko ulit yung babae sa taas. Sa kanya ito malamang. Alis na nga ako dito. Makapunta lang sa taas para may hangin medyo mainit eh.

Bakit medyo madilim at walang tao? Weird na talaga. Kanina ko pa napapansin. AT bigla na lang may humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. Magpumiglas man ako wala akong magawa kasi unti-unting nanghihina ang katawan ko, at hindi ko namalayan nakatulog na pala akooooooo

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

==Julia's POV==

Naku naman! Patay ako nito kay Mama. Kailangan di niya malaman na nawala ko yung nag-iisang rosary na ginawa ko. Alam niya kasing pinaghirapan ko yun, at kapag nawala ko, iiyak na naman yun.

"Ahh, Mama, may nakalimutan lang po ako. Wait lang po ah?" nakita kong tumango lang siya kaya bumalik ako doon sa pinangyarihan ng tumbahan.

Hanap.

Hanap.

Pero wala naman. Ano ba yan. Ah! yung lalaking bumunggo sa akin kanina! Baka nasa kanya yung rosaryo ko. Wait. Babalik na ako sa baba.

Ang weird ah? Bakit walang katao-tao dito? Huwebes Santo ngayon kaya dapat maraming tao. Bukas na kasi ipuprusisyon yung Nazareno. Pero bakit walang...?

(Bumagsak sa sahig nang walang malay)

==============================

Hala? Anyare?

Abangan. :)

Dumadami ung reads ah. Salamt senyo. Hehe!

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Where stories live. Discover now