Where Am I? .. Where Are We?

164 16 2
                                    

OYT may nagbabasa na pala nitong story ko. :)

Salamat po! Hehe! Na-inspired tuloy ako.

Anyways, enjoy!

~James

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

==Julia's POV==

"Aray! Ang sakit naman ng ulo ko. Teka bakit madilim?sabi ko na lang nang dumilat ako pero wala pa rin akong nakikita. Ginalaw-galaw ko ang mga kamay ko pero nakatali ito. Ay, nakablindfold ako. K.

TEKA NGA BAKIT AKO NAKATALI AT NAKABLINDFOLD?? Ow Ehm Gee.

"TULONG! TULONG! MAY TAO BA DIYAN?"

Shocks. Kahit pala magsisigaw ako dito mukhang walang tao. Walang sumasagot eh.

Pakiramdam ko nasa isang abandonadong kwarto ako. Walang katao-tao. -_- TSSS.

Teka may humihinga ata sa tabi ko.

"Oy! Sinong nandyan!?? Sagutin mo ako!! Sino yan!"

Aba biglang may sumagot!

"Huwag ka ngang maingay! Natutulog ako eh! Ano ba!" Parang familiar itong boses na to ah

"Kuyang kumuha ng rosary ko? Ikaw ba yan??" sabi ko nang maalala ko kung kaninong boses iyon.

"Miss? Bakit madilim? At bakit parang nakatali tayo dito?": tanong niya na hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Mainit kasi at ramdam ko nang tumutulo yung pawis ko sa noo ko.

"Sorry hindi ko rin alam. Nakablindfold din ako saka nakatali." iyon na lang ang tangi kong nasabi.

Sinubukan komg magpumiglas. Pero mukhang wala talaga akong lakas ngayon. Wala akong magawa kung hindi huminga at mamawis. Ano ba yan.

"Miss? Nandyan ka pa ba?"

The Eye (JulNiel FanFic)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora