take five (andrew)

157K 1.5K 349
                                    

Malas. Kung meron mang taong malas, ako na ata 'yun.

Wala na atang makatatalo sa record ng pagkamalas ko! Sino ba naman ang hindi matatawag na malas kung pagising na pagising mo pa lang sa umaga, putak ng Nanay mo ang bubulahaw sa'yo. Malas na nga, mas lalo pang minalas dahil amoy jebs ang katabi ko kanina sa Jeep, hindi ata nagsabon si Manang, umaalingasaw. Sinong hindi mababadtrip kung hindi lang 'yun ang kamalasan mo dahil pagdating mo sa klase, nakalimutan mo na submission pala ngayon ng problem set sa Statistics? Anong klaseng kamalasan ba ang meron ako? Dyahe, dyahe. Takte, hindi lang 'yun. Kaninang lunch break, kung kelan nangalahati na 'ko sa napaka-asim na sinigang, kung kelan napasarap na 'ko sa pagkain, saka ko naman makikita ang nagscu-scuba dive na langaw sa ulam ko.

Ang malas ko. Ang malas malas ko, sa sobrang malas ng araw na 'to, hindi ko na alam kung may ikamamalas pa ba dito ang mga ibang araw na dadating sa buhay ko. Napakamot na lang ako sa ulo kahit alam kong wala akong kuto, mannerism daw ito. Ang astig lang ‘no, may mannerism din ako?

Hinay-hinay akong naglakad hanggang sa makalabas ako ng campus. Lalong nangunot ang noo ko nang makita ang mga patak ng letseng ulan na dumapo sa kamay ko. Malas. Mabilis kong hinanap ang wallet ko at binuksan ito para kumuha ng pangbayad sa Jeep pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang walang laman ang wallet ko, kahit singkong duling, wala talaga. Saka ko lang naalala na binayad ko pala ang perang natira sa ga-bundok na pina-photocopy para sa project namin. Malas. Pa’no ako uuwi nito?

Si Jan, bigla kong naalala si Jan. Agad kong hinanap ang cellphone sa kailaliman ng bagpack ko. Nang makuha ko ito ay sumilay ang isang ngiti. Dali-dali akong nagtype sa cellphone kong 3210. Oh, wag kang umangal, binenta ko ‘yung Samsung, mai-date ka lang. Pamana pa sa’kin ’to ni Tatang. Aba, vintage ‘to, gusto mo?

Maya-maya pa ay bigla na lang tumunog ang pinaka-ayaw kong marinig sa lahat. Halos itapon ko sa Mamang humagalpak nang marinig ang nakaka-asar na tunog ng check operator services.

“Kawawang bata, 3210 na nga lang ang cellphone, wala pang load. How poor can you get, totoy?” pang-inis na sabad ng Mamang naglalakad sa daan.

Huminga na lang ako ng malalim at inirapan ang matanda. Mukhang nasindak naman siya dahil agad namang umalis at tinulak ang fishball cart n’ya. Ang gara ng tindero ng fishball, paingles-ingles na lang.

Halos ubusin ko na ang buhok sa sobrang inis. Umuulan na nga, wala pang pamasahe, wala pang load. Dyahe! Takte lang, ang malas ko!

Dumiretso ako sa isang waiting shed at naghintay sa pagdaan ng tropa para maka-utang ng pera. Walang tao dito kaya ayos lang. At dahil wala ring pera ang DPWH ay hindi man lamang naisipang lagyan ng upuan ang Waiting Shed. Kung magwe-waiting ka, di’ba ang awkward kung nakatayo ka lang? Dapat nakaupo e. Standing Shed dapat ang tawag dito e. Okay, korni na, daming alam.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Pero pa’no ko ba gagawin ‘yun? Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ko. Pero para na akong sasapian ni Satanas nang makita ko kung sino ang tumatakbo papalapit dito sa Standing Shed, waiting shed pala.

Takte naman eh, kung kelan minalas ka na nga, mas lalo ka pang minalas.

Tatke naman Juniper, ano bang trip mo? Di’ba, ayaw kong makita ka? Di’ba allergic ako sa kulot mong buhok? Di’ba, ayaw kong makita ang chubby mong katawan? Eh bakit dito ka pa tumakbo? Bakit ang slow poke mo? Bakit hindi mo ma-gets? Bakit ba? Sadista ka ba talaga?

Bakit pakiramdam ko eh pinaglalaruan ako ng mundo?

Tumingin ako sa pader. Kunwari, di kita nakita. Kunwari, busy ako sa pagbibilang ng vandalism dito sa Standing Shed. Kunwari, wala ka.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon