extra

43K 511 29
                                    

Maraming nagtatanong, bakit daw ba ang dali kong magpatawad. Sinaktan, niloko at iniwan mo ako pero bakit daw tinanggap pa kita? Isa lang ang sagot diyan eh, mahal kasi kita.

Sa dimami-dami ng mga nagyari sa buhay ko, napagtanto kong napakaikli lang ng buhay para gamitin sa galit at hinanakit. Napakaikli lang ng buhay ng tao, at hindi ito hahaba kung magmumukmok ka lang sa gilid at maninisi sa mga bagay na nagawa na. Kahit anong pilit natin, hindi na natin maibabalik pa ang panahong lumipas na.

Kailangan nating matutong bumitaw sa poot at magpakumbaba dahil du'n lang tayo tunay na magiging masaya. Gusto kong maging masaya...kaya sa kabila ng lahat ng poot at sakit, pinili kong ibaon sa limot ang sakit at mahalin ka ng walang kapalit.

Habang naglalakad ako papasok sa simbahan, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Akalain mong dadating pa tayo sa puntong 'to? Sa dinami-dami ng sakit at sakripisyo, hindi umabot sa hinagap ko na tutuntong pa ako rito suot ang isang tux.

"Sinabi na kasing ako lang ang katabi ni Andrew, ako dapat ang best man kasi umuwi pa ako galing abroad, makita lang 'to!" katwiran ni Paolo habang tinutulak ang dalawang mokong na nakatayo malapit sa'kin.

"Anong ikaw, ako dapat! Ako mahilig magbigay ng advice eh!" untag naman ni Tall Nut.

"Tse, ako dapat! Ako ang nagpapatawa sa kanya eh! Bakit, nilibre niyo ba siya nang Mami kapag malungkot siya?" ungot naman ni Jan na ngayon ay proud na proud sa kanyang pulang bow tie.

Napailing na lang ako habang nakatawang nakatingin sa kanila.

"Mga adik kayo, pumunta na nga kayo sa unahan! Lahat kayo, bestman. Daming arte!" birong sigaw ko kaya nagtawanan naman ang mga mokong. Papunta na sana kami sa unahan kasama si Mama nang biglang sumulpot si Tekla kasama ang isang babaeng naka-pink gown rin. Mukhang pamilyar siya. Ang nakakapagtaka lang, imbes na heels ang suot niya ay isang itim na chucks ang gamit niya. Sabay-sabay kaming nagtinginan ng barkada.

"Sino siya?" tanong ni Tall Nut. Pilit ko pa ngang hinahagilap sa utak ko kung saan ko siya nakita at nang maalala ko ay wala akong ibang nasambit kundi ang katagang kabaligtaran ng tawag sa'kin ni Juni.

"Ate?"

Agad itong lumingon sa'kin at nakangiting lumapit.

"Hoy, ikaw pala 'yung nakita ko nung minsan kong hinahabol si Biboy? nakangiting usisa nito.

''Yung puputulan mo ng...B?"

Tumawa ito ng malakas at tinapik ang balikat ko.

"Congrats ah?" sambit nito saka lumapit kay Tekla na ngayon ay halos lagyan na ng chocolate fountain ang buhok sa dami ng chocolate na nakasabit sa katawan niya. Hikaw, kwintas, bracelet at kahit na nga ay damit niya ay nagmistulang damit na chocolate sa kulay tsokolate nito. Adik na bride's maid 'to, imbes na puti eh chocolate brown ang kulay ng damit.

"Uh, nakilala mo pala ang pinsan ko? Siya 'yung pinsan kong sinasabi sa'inyo dati," masayang turan niya.

Napatango na lang ako habang ngumingiti, may saltik rin kasi 'yung Ate eh. Pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit hindi ko makalimutan ang pagtataray niya sa'kin nang minsan ko silang makita nung Biboy.

Maya-maya pa ay tumunog na ang piano na sinundan ng pagkanta ng isang lalakeng nakasuot ng puting polo. Sinimulan niyang awitin ang kantang ni-request mo. All of Me.

Cause all of me loves all of you,

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Bumukas ang pintong kanina ay isinara para raw may drama ang entrada ng bride. Nakita kitang nakangiting naglalakad papalapit. Suot mo ang gown na pinili natin at hawak mo pa ang bulaklak na pinagawa natin. Wala akong ibang maramdaman kundi ang tuwa. Sa lahat ng nangyari sa'tin, ito na ata ang pinakadabest.

Halos hindi ko na alam kung pa'no pa ako ngingiti nang makarating ka malapit sa altar. At nang hawakan ko ang 'yong kamay, hindi ko alam, wala nang paglagyan ng saya ang puso ko. Pakiramdam ko, nakabinggo na ako. May mga luha ring biglang tumulo sa mata ko, pakiramdam ko, mababaliw na ako sa sobrang saya.

Nagsimula na ang misa at taimtim lang akong nakinig habang hawak ang kamay mo. Hindi na ako makapaghintay na matawag kang Junigo.

"Mahal na mahal kita, Kuya." narinig kong sambit mo matapos ang mahabang seremonya. At imbes na mainis dahil kahit opsiyal Junigo ka na ay natawa na lang ako. Kahit kailan talaga, hindi na pala mawawala sa'yo ang pagtawag mo sa'kin ng Kuya.

At ang mas nakakatuwa pa, ang kinaiinisan kong tawag dati, ngayon ay parang musika na sa pandinig ko. Ang kinaiinisan kong tawag dati'y ngayon ay ang pinakagusto kong tawag mo sa'kin.

Kuya. Marahil ay hindi na matatanggal sa pagkatao ko ang tawag na 'to. Marahil nga'y habang-buhay na 'tong nakatatak sa pagkatao ko. Pero masaya ako, dahil nagsimula ang lahat sa Kuya...at mukhang matatapos rin ito sa Kuya.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon