take twenty seven

36.7K 301 24
                                    

May gamot ba para makalimot? May nakapag-imbento na ba no'n? O kailangan pa ba talagang mauntog ang ulo para magka-amnesia? Wala na bang mas madaling paraan para makalimot? 'Yun lang kasi ang nag-iisang paraan para makausad ako.

Sa bawat baling ko, sa bawat pikit ko, sa bawat galaw ko, ikaw ang naaalala ko. At nasasaktan ako. Kasi alam ko sa sarili kong nagpaloko ako. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Pero ang mas masakit, alam mo ba kung ano? 'Yun 'yung katotohanang kahit nalaman ko nang may anak kayo, mahal pa rin kita. Nasasaktan ako kasi umaasa ako na ngayong nasaktan na ako ng sobra, titigil na ang pagmamahal at paghahabol ko sa'yo pero hindi pa pala. At tanga ako kasi ganito ang nararamdaman ko. Sana, hindi na lang ganito. Sana, hindi na lang kita mahal.

Tulala lang ako habang nakatingala sa kawalan. Sa 'di malaman-lamang dahilan, naisipan kong tumambay dito sa lugar kung saan tayo nag-celebrate ng first monthsary. Baliw na siguro ako kasi sa dinami-dami ng pwede kong puntahan, dito pa, kung saan mas maaalala kita, kung saan mas masasaktan ako. Madilim ang langit, maulap at malakas ang ihip ng hangin. Pero kahit gano'n ay may isang bituin akong nakikita. Malaki ito at sobrang makinang. Parang nagpapapansin, parang nagpapaalala na andy'an pa siya kaya wag daw akong mawalan ng pagasa. Napangisi na lang ako, kahit ang bituin ay ginagawan ko pa ng kwento. Ganito pala ako pag malungkot, parang tanga. O dati na ba?

Habang nakatingala at nakatingin sa nag-iisang bituin sa langit, bigla kong naisip ang Mama mo, si Juniora ni Hitler. Kung nandito siya ngayon, malamang eh babatukan na naman ako at sisigawan nu'n.

"Wag mo siyang iiwan at sasaktan, hah? Mahalin mo siya at sa oras na magsawa ka, pilitin mong hindi magsawa, okay? My daughter's stupid but she's one in a million and you should be fully aware of that."

"Pasensya na po Tita, kung nasaan ka man pero ang sakit-sakit na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang ipaglaban ang anak niyo. Nagtataka nga ako eh, minahal niya ba talaga ako?" mahinahong sambit ko habang nakatingin sa itaas. Pilit na naghihintay ng sagot sa tanong ko. 

Alam kong wala namang sasagot pero kahit ga-hibla na lang ang pagasa ko, umaasa pa rin ako. Gusto kong maniwala na minahal mo talaga ako. Gusto kong isipin na minsan sa buhay mo, nagkaroon ako ng puwang sa puso mo. Gusto kong ipaalala sa sarili ko na kahit minsan eh ako lang ang itinibok ng puso mo, na ako lang ang nagpagulo sa isipan mo, na ako lang ang laman ng mga panaginip at mga pangarap mo. Kahit konti, gusto kong umasa. Kasi, 'yun na lang ang magagawa ko ngayon. Lahat kasi ng paraan, naglaho na. Naputol na. Natigil na.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala. Nabalik lang ako sa wisyo ng biglang nagsimulang dumapo ang malalaking patak ng ulan sa braso ko. Parang nagpapahiwatig na mali na ang ginagawa ko.

"Mali na ba 'to, Tita? Susuko na ba ako?" muling bulong ko sa kawalan. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. At sa 'di malaman-lamang dahilan, tumango ako. Ito na rin siguro ang sign na hinihingi ko. Kailangan ko na rin sigurong itigil ang kahibangang ito bago pa man mahuli ang lahat. Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa'king mga labi at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luhang ngayon na lang tutulo. Pagkatapos nito, titigil na ako. Sarili ko naman ang uunahin ko.

Nang tumila na ang ulan, agad akong tumayo. Baon ang pangako sa sarili na hindi na ako magpapaka-gago. Sapat na rin siguro ang mga ginawa ko. Panahon na para sumuko.

"Talo kita, ako, kaya kong maligo ng isang tabo lang. Nakapag-shampoo, conditioner, hilod at sabon na ako niyan!" pagmamalaki ni Jan. Humagalpak naman sa kakatawa itong si Tall Nut. Anong nakakatawa dun? Wala

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon