take seven

137K 1.1K 187
                                    

Hindi lahat ng ginusto mo, makukuha mo. Hindi lahat ng hiniling mo, mapapasayo. Hindi lahat ng hiningi mo, ibibigay sa’yo.

Tulad ngayon, isa lang naman ang ginusto ko eh, isa lang naman ang hiniling at hiningi ko at ikaw ‘yun… pero hindi ka pa binigay sa’kin. Hindi kita nakuha. Hindi ka napa-sa’kin.

Minsan, naisip ko lang, masyado naman ata akong pinaglalaruan ng mundo. Para akong tangang hahabol-habol sa’yo, masasaktan kaya magde-desisyong lumayo pero konting lapit mo lang, bibigay ulit ako. Hahabol-habol na naman ako at sa huli, masasaktan na naman.

Ang tikas naman ng cycle natin, Juniper! Sobrang cliché. Paulit-ulit, nakakasawa na.

Habol, heartbreak, move on, konting tabi lang sayo ay back to normal na naman tapos ano? Hanggang kailan ba tayo ganito? Hanggang kailan ba ko hahabol-habol sa’yo. Hanggang kailan ba ko mage-emote ng ganito?

Sabihin mo naman para maihanda ko ang sarili ko dahil sa totoo lang, pagod na pagod na ako. At sa kapaguran na ‘to, sana naman, hindi ito umabot sa mga bagay na sa huli ay pagsisisihan ko.

Minsan, gusto kong pagsisihan na minahal pa kita. Pero tae lang din, bakit ko pagsisisihan ang bagay na naglagay ng kulay sa black and white kong mundo? Noon, nabubuhay lang ako dahil humihinga at kumakain pa ako. Para lang akong isang actor ng isang black and white na pelikula. Kahit ga’no kaganda ang kwento, wala pa ring kulay, wala pa ring ganda at buhay ang mundo ko. Pero nung nakita ko yung kulot mong buhok at ang katabaan mo… nagbago ang black and white kong mundo, naging sepia, este colored na pala.

Pero ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit lagi na lang wala. Lagi na lang udlot. Lagi na lang nasasaktan. Hindi naman ako masokista eh. Pero kahit anong pilit kong itago na gusto pa rin kita, halata naman eh. Masyadong obvious. Nakakasura. Ayawan na.

“Babe, what’s wrong with you?!” mas lalo pang hinigpitan ni Baby ang pagkakayakap niya sa’kin. Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalala ang dahilan kung bakit ako kumalas sa yakap mo.

“Eto. Ako, ikaw, tayo. Yakap mo ko, nakapulupot ang kamay mo sa abs ko, nagmo-moment ta’yo, sinabi mo pang miss mo na ‘ko. Totoo ba ang lahat ng ‘to? Hindi na ba ‘to panaginip? Sabihin mo lang kung panaginip pa ‘to ah para makurot ko pa ang sarili ko. Para gumising na ulit ako. Para tumigil na ‘ko sa mga ilusyon ko.”

“B-bakit mo naman tinatanong ‘yan?”

“Sagutin mo lang ako, Juniper. Totoo ba ‘to?”

“Oo naman… Kuya,”

Tang’nang joke ano? Nakakatawa. Ang sarap manapak. Ang sarap maglasing. Oo, dahil lang sa simpleng tawag mo, kumalas at lumayo ako. Napaka-babaw ko na nga at wala akong pake kung ano pa man ang tingin mo.

Pero sana naisip mo naman, Juniper.

Kung hindi mo nga ako magawang matawag sa totoong pangalan ko, sa palagay mo ba, kaya mo pa ‘kong mahalin sa paraang gusto ko? Kaya mo ba kong tingnan bilang manliligaw mo at hindi bilang kuya na nagpapa-alipin sa mga ka-dramahan mo?

Sana, masagot mo ang tanong ko. Dahil alam mo ba ang sagot ko sa tanong ko? Hindi mo kaya. Mananatili lang akong Kuya mo. Para sa’yo, isa lang akong asong susunod sa trip mo.

Pero tandaan mo, itong aso na ‘to, ito lang naman ang nagmahal sa’yo ng ganito.

“’Di mo kailangang malaman, ba’t ka ba gaya ng gaya?! Ba’t nagpabasa ka rin? Anong trip mo? Alis ka nga, baka pagalitan pa ko ng balahura mong Mama,” sagot ko kay Baby at kumalas na sa yakap niya. Ngumiti naman si Baby at hinawakan ang kamay ko na para bang hindi napapansin ang pagsusuplado ko.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon