take thirteen

80.5K 759 192
                                    

Tanga. Salitang nakakatawa. Salitang nakakahiya. Salitang mahirap maisabuhay dahil sa oras na magamit mo 'yan sa iyong sistema, pasensya ka. Ikaw ay isang tanga dahil pinili mo pang maging tanga. Bakit ka ba kasi magpapakatanga kung matagal mo namang alam na may paraan para hindi maging tanga?

Bakit pinipili mong magpakatanga?

Isa lang ang sagot d'yan eh. Pinipili mong maging tanga kasi masaya maging tanga. Sa pagiging tanga ka lang nagiging masaya. Nasa'n ang thrill kung puro sa sigurado ka susugal? Wag kang susugal sa bagay na alam mo na ang kahihinatnan, wala du'n ang pot of gold, wala 'yung surprise, wala du'n ang contentment. Dahil sa oras nang iyong pagtanda, gigising ka na lang isang araw at tatanungin 'yun sarili mo: Pa'no kaya kung iba 'yung pinili ko? Pa'no kaya kung sinunod ko ang puso ko? Pa'no kaya kung sumugal ako? Siguro, mas maganda ang buhay ko? Siguro nga, mas masaya ako. Siguro, ganito, siguro ganyan.

Sabi nga nila, love is only for fools. Oh di'ba, sino bang nagmahal ang hindi nagpakatanga? Wala naman, di'ba?

Nagpapakatanga ka kahihintay na sabihin niya sa'yong mahal ka rin niya kasi 'yun ang magpapasaya sa'yo. Nagpapakatanga kang ipaglaban siya kasi alam mong du'n ka lang magiging masaya. Nagpapakatanga kang babalik siya kahit niloko ka na kasi alam mong mahal mo siya.

Ang pagpapakatanga ay isang choice, isang option. Pero higit sa lahat, ang pagpapakatanga ay isang susi para maging masaya.

Ikaw, nasubukan mo na bang maging tanga? At kung hindi naman, kung sa puro kasiguraduhan ang pinipili mo, kapag tinanong mo ba ang sarili mo kung masaya ka, oo ba ang maisasagot mo?

Sana, lamunin na lang ako ng lupa sa sobrang katarantaduhang ginawa ko! Takte naman eh, bakit gano’n pa ang sinabi ko? Eh sa sobrang nakakamental block ‘yung itsura mo kaya gano’n ang sinabi ko.

“Eh loko ka pala, nakita mo ba ang effort ni Juni? Grabe ka, tol! Nagpaganda siya para sa’yo tapos sasabihin mong nagmukha lang siyang bakla, nasaan ba ang hustisya? ‘Yung totoo, bulag ka na ba? Ang ganda niya kaya, sabihin mo lang na ayaw mo na kay Juni, ako papalit sa pwesto mo!” pabalang na biro ni Paolo pero ramdam ko naman na magpabaya lang ako eh tutuparin niya ang biro niyang ito.

Nasapo ko na lang ang ulo ko at tulirong pinagmasdan ang isang case ng beer na binigay daw ni Tekla nung hiningi nito ang impormasyon na patungkol sa’min ni Baby.

“At ang malala pa ‘tol, sinabihan mo siya ng bakla! Nasaan ang hustisy—aray ko naman! Ikaw ah, nakaka-ilan ka nang Tall Nut ka!” angal ni Jan nang biglang batukan ni Tall Nut.

“Unli ka, Jan? Kita mo nang paulit-ulit na nga sinabi ni Paolo, uulitin mo pa. ‘Yung totoo, may kulili ka ba sa tainga?!” anas pa ni Tall Nut.

“Pero ikaw naman, Andrew, ano bang nasa utak mo at sinabi mo ‘yun? Ano ‘yun, playing cool? Hindi ‘yun cool, Fafa! Kung alam mo lang kung ga’no kadaming sakit ang tiniis ni Junibeybehbells para lang magmukhang pleasing sa harapan mo tapos sasabihin mong mukha siyang bakla? Nasaan naman ang hustisy—op, wag mo kong pukpokin, Tall Nut, hindi kita ikikiss, sige ka!”

“Sorry na po, Tekla,” parang baliw na bulong ni Tall Nut.

“Hindi ‘yan ang tawag mo sa’kin!” nanggagalaiting sigaw ni Tekla. Nagtinginan naman kami ng barkada at diretsong tumingin kay Tall Nut na ngayon ay namumutla na dahil sa ginagawa naming treatment sa kanya.

“Ba’t ako ang nasa hot seat? Si Andrew ang papagalitan natin ngayon, di’ba?!” inis na sigaw niya. Tumawa lang si Tekla pero halata naman ang pagkainis niya.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon