take two (andrew)

394K 4.5K 1.3K
                                    

Maraming pwedeng mangyari sa isang taon.

Pumayat na ang tabain mong pinsan dahil gumamit sya ng south-beach diet. Hindi na chismosa si Tekla at nililigawan na sya ngayon ni Dagul. Si Dagul naman ay hindi na tinatawag na Dagul, Tall Nut na dahil nung sumali siya sa isang pageant dito sa Campus eh sya ang pinaka-matangkad. Ang dating mga lasenggo kong mga ka-tropa ay pala-aral na. Ang Guard na humabol sakin ay ka-close ko na. Tumaas ang pamasahe ng dalawang piso at nabawasan ng kinse ang baon ko. Napakaraming nagbago, napakaraming nangyari pero isa lang ang hindi mabago-bago… ikaw.

Juniper naman, inamin mo na’t lahat-lahat pero ano? Yan pa rin bang salitang yan ang isasampal mo sa mukha ko? Kuya? Hindi ko lubos maisip na sa mahigit tatlong daan at apatnapu’t limang araw o walong libo, pitong daan at animnapung oras, (hingang malalim, ang hirap magbilang) wala pa ring pagbabago sa’tin?

Ang buong akala ko, nung sinabi mo na mahal mo ako, yun na yun. Akala ko, dun na magsisimula. Akala ko, dun na uusbong. Akala ko, titigil na lahat ng himutok ko sa buhay pero akala ko lang pala yun.

Maraming namamatay sa maling akala, buti nga at buhay pa ako.

 

“Alam mo namang mahal kita kuya. Kaya lang kasi… hindi pa ‘ko handa.”

Ayos na sana eh, kung di mo lang dinugtungan ng Kuya. At ang masaklap pa, ginatungan mo pa ng walang kamatayang linya na: “hindi pa ‘ko handa”.

Utang na loob naman Juniper, bente anyos ka na! Tapos sasabihin mo sa'kin na hindi ka pa handa? Hanep sa buhay ah? Parang life?

Isang taon. Isang taon rin ang nilustay ko para magising sa isang katotohanan na akala ko dati ay isang masamang panaginip lang. Pero heto ako Juniper, sa palagay ko ay matatanggap ko na ng maluwag 'to. Ilang beses ko ring inumpog ang ulo ko sa paniniwalang merong 'tayo' pero nagkamali pala ako. Mali palang ipinikit ko pa ang mata ko at ipinaglaban ang akala ko na posibleng magkaroon ng 'tayo.' Sana, natauhan na ako dati pa, bago mo pa man sinabi sakin na gusto mo ako. Sana hindi ganto kasakit, edi sana matagal na rin akong naka-usad palayo sa kagaguhang ito.

Pero mahal kasi kita Juniper. Bopols na nga, martir pa.

Sapat na siguro 'to. Pinadama ko naman sayo na mahalaga ka eh. Pero hindi lang talaga siguro pwede. Kasi kahit anong pilit ko, kung hindi naman talaga tayo naa-ayon ay wala ring mangyayari. Napagod lang ako. Tapos na lahat ngayong araw na ito. Wala nang Andrew na mangungulit sa'yo. Wala nang loko na mag-aabot sayo ng pagkain sa tuwing tutunog ang tiyan mo. Wala nang magflo-flood ng blank messages sa inbox mo para lang magpapansin. Simula sa araw na 'to, wala na talaga.

Akala ko kasi dati, mas malakas ako kay Super Man at kaya kong indahin lahat ng kabiguan ko sayo pero mali pala ako. Dahil tao lang ako Juniper at para sa kaalaman mo, napapagod din ako. Nakakapagod din pala Juniper. Nakakapagod din pala.

Napatingin ako sa ilalim ng punong Mangga kung saan lagi kang tumatambay. Andun ka at nakaupo, walang kaalam-alam sa mga iniisip ko. Pasensya na kung sentimental ako ah? Hayaan mo na, huli na naman 'to eh.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang palayo sa'yo. Ang hirap palang talikuran at kalimutan na minsan sa buhay ko ay pinili kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Pero pipilitin ko, kakayanin ko.

--

Isang linggo na rin pala ang lumipas at natutunan ko nang pahalagahan ang sarili ko. Kung dati ay hindi na ko magkanda-ugaga na gumising ng maaga para masundo lang kita, ngayon ay iba na. Ang laking stress mo pala sa buhay ko? Magka-gayon man ay masaya ako na ginawa ko ang lahat ng iyon dahil nagmahal ako at masasabi ko sa sarili kong ipinaglaban ko 'tong narararamdaman kong 'to. Hindi ako duwag, nagpakatotoo ako. Umaabot lang talaga sa punto na mapagta-tanto mo na mali na pala ang ipinaglalaban mo.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon