A/N: Omg tapos na sya. HAHAHA. Salamat sa mga nagbasa at magbabasa pa lang. Last na 'to kaya party party na. Lol.
Soundtrack for this chapter: Don't Go (English Cover) by Silv3rT3ar (Elise)
***
Kanina pa ako nagpabalik-balik kung saan ko pwedeng makita si mylabs pero bigo ako. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Nagbaka-sakali ako sa kanilang dorm ngunit isang madilim lamang ang sumalubong sa akin. Ibig sabihin ay tulog na sila o di kaya'y hindi pa sila umuuwi.
Napabuntong hininga ako. Ilang beses na ba akong bumuntong hininga sa gabing ito? Hays mylabs,
Your small wings fluttering
As if they were waving
Seemed like you were telling me
to follow after you
Sa dalawang oras ko na paghahanap, napagod ako. Hindi na kaya ng katawan ko. Antok na antok na rin ako. Siguro ay gigising na lamang ako ng maaga bukas at pupunta sa kanilang dorm.
Habang naglalakad ay kinuha ko ang aking cellphone upang mag-sign in ako sa Instagram. Ipo-post ko 'yong mga pictures na mayroon ako sa EXOrDium.
Hindi pa rin ako maka-get over. Sobrang saya ko dahil sa concert. Ngunit sumagi sa aking isip si mylabs. Nasan na kaya siya? Nakauwi na ba sila? Sana okay lang siya. Hays
Your sad eyes looked at me
As you told your story
It was that night that the wind
blew your right into my heart
Tumunog ang aking cellphone hudyat na may notification ako. Halos mabitiwan ko ang aking cellphone ng makita ko ang
real_pcy messaged you
Tila nag-ugat ang aking mga paa sa kalsada. Bumilis ang tibok ng aking puso. Alam kong hindi ito ang unang beses na nag message si mylabs sa akin.
Dahil maraming beses ko na siya nakaka-chat. Bakit ngayon parang kakaiba? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, tila nasa isang karera.
Binuksan ko iyong message niya. At halos manginig ako habang binabasa iyon.
real_pcy:
Meet me at Namsan Tower after the concert.
Iyon ang unang message niya.
Don't be late, Maria Patricia.
Parang lalabas na ang aking puso dahil sa message niyang 6 hours ago pa. Bago pa magsimula ang concert siguro niya ito ini-message. Oh gosh.
Mas lalo akong kinabahan ng mabasa ko ang huli niyang message.
You hurts me that much, huh?
My mind keeps wandering
thinking of you
I'm the one that is completely
captivated by you
It's like I'm mesmerized
forgot to breathe , oh my
Kumalabog ang aking puso. Ang huli niyang message ay 2 hours ago pa. Sa sobra kong kaba ay kaagad akong pumara ng taxi at nagpababa sa Namsan Tower.
![](https://img.wattpad.com/cover/99566019-288-k581069.jpg)
YOU ARE READING
Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF]
FanfictionBakit ba ang kulit mo? Sinabi ko ng nage-exist ako.