Chapter 4

71 6 5
                                    

Sobrang boring,

Tinitigan ko ang poster ni mylabs, at napangiti ako. Ba't ganyan ka mylabs? Pinapatay mo na naman ako sa mga ngiti mo.

Hays, pakasalan na kaya kita? Para naman araw-araw na kitang kasama.

BOOM!

"Maria Patricia!" Napabalikwas ako, binuksan ko ang pinto.

"Ano po 'yon Tita?"

"Si Czarina nasa baba, hinihintay ka. May lakad daw kayo."

Teka nga, wala namang sinabi ang babaeng 'yun na may lakad kami.

"Sige po Tita, susunod po ako."

Lagot ka sa'kin, babae ka.

"O sya, sige."

Napabuntong hininga ako, lintik na. Kanina boring na boring ako, pero ngayon naman sasakit ang ulo ko.

Bwisit ka talaga Czarina.

Kaagad akong naligo at nagbihis ng disente. Alam nyo naman ang babaeng 'yun, napaka-epal. Hays, bakit ko nga ba nakilala 'yon. HAHAHA

Pagkababa ko, nakabusangot na mukha ni Czarina ang sumalubong sa'kin.

"Mag-aayos lang, ang tagal tagal." Ay aba,

"Ang galing mo naman po ano, ikaw itong sumusulpot na lang dyan at may lakad kuno. Ikaw pa maarte?" Singhal ko,

"E sa naiinip ako." Tingnan mo 'to.

"Ewan ko sa'yo, kabaliwan mo."

"Hehe sorry na, alabyu."

"Alabyu your face, tara na."

"Excited masyado?"

"Hindi naman," Sabay irap ko.

"Psh."

Hindi ko na lamang pinansin ang kaartehan ng impakta kasama ko HAHAHA bagkus ay naghanap kaagad ako ng taxi na masasakyan namin.

"Saan naman tayo aber?" Tanong ko ng makasakay kami sa taxi.

"Sa COEX, hehe." Inirapan ko siya,

"COEX, COEX may pera ka?"

Malay nyo, malakas magyaya 'to e. Baka mamaya walang pera jusme.

"HAHAHA ako pa, kaya nga niyaya kita."

"Whatevah,"

"Arte neto, di ka mahal ng mylabs mo." Nagpintig ang tainga ko.

"Anong sabi mo?" Pinaglakihan ko siya ng mata,

"Ha? May sinabi ba ako? Wala naman ah,"

"May sinabi ka," Pagdidiin ko pa.

"Alin na maganda ka?" Napairap ako sa aking isip.

"Alam ko na 'yan matagal na. Yung isa,"

"Alin 'yung mahal ka ni mylabs mo?"

Binatukan ko nga, nagmaang maangan pa.

"Umayos ka Czarina, itatapon kita."

"Hehe, peace."

Nakarating na kami sa COEX, as usual ang dami na namang mga koryan. Hays sana koryan din kami HAHAHA

Bakit nga ba hindi ako naging koryan 'no? Mas mabilis 'yun para maging akin na si mylabs. Teka nga, akin nga pala sya. Hihi.

"Tara dun dali," Lintik na, sinasabi ko na nga ba e.

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Where stories live. Discover now