Chapter 5

65 5 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at tila lantang gulay ako. Nababagot ako, tumulo na naman ang aking luha.

Bakit ka ganyan mylabs? Bakit hindi mo maramdaman? Bakit hindi mo matanggap?

Humarap ako sa kaniyang poster,

"Iyan ang mahirap sa'yo mylabs e. Lagi mong iniisip at sinasabi na nagsasayang lamang ako ng oras sa'yo."

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na hindi ako nagbibiro dito? Huhu."

Nagtalukbong muli ako ng kumot at umiyak.

Nangako ako sa aking sarili na sa oras na tumuntong ako ng Korea ay wala akong sasayangin na oras para mapalapit sa'yo. Ngunit ikaw itong mismong nagsasabi na tumigil na ako.

Naiirita ka sa'kin at siguro'y nakukulitan.

Kahit ilang beses akong masaktan sa mga salitang sinasabi mo sa akin hindi ako titigil.

Papakasalan pa kita mylabs,

Itinaga ko 'yun sa abs mo mylabs, tsk.

"Maria Patricia? Kakain na,"

Napabuntong hininga ako.

"Mamaya na lang po Tita."

Pati si Tita nahihirapan na sa'kin. Wala akong magagawa, nasaktan ako e.

"O sya sige, bumaba ka na lamang kapag ginugutom ka na. Papasok na ako sa work."

"Sige po Tita, ingat po kayo."

Napabuntong hininga muli ako,

Babangon ako mylabs, papakasalan kita.

Dumiretso ako sa banyo upang maligo pagkatapos ay nagbihis ako.

Kinuha ko ang mga kailangan ko at nilagay sa aking magandang bag. Le flips hair;

Binuksan ko ang pinto, laglag ang aking panga.

"Let's go." Paanong?

"Huh? Mylabs?" Inismiran niya ako,

"I said, let's go."

"Hindi kita maintindihan mylabs,"

Totoo naman e, hindi ko talaga maintindihan. Alam ko lang ay pupunta ako sa dorm nila para makita siya.

Huminga siya ng malalim.

"So, you don't know that this day is our date?"  Napanganga ako,

Ngayon ba 'yon? OMG!

"Nakalimutan mo." May dumaang emosyon sa kaniyang mata. Lungkot? Disappointment? O sadyang ako lang 'yon.

"Anong nakalimutan mylabs? Hindi 'no, kaya nga ganito na ako kasi pupunta ako sa dorm nyo para sa date."

Sheeeeeeeeet,

Hindi bagay sa'kin ang magsinungaling. I'm dead.

Hindi siya sumagot kaya hinila ko na ang kaniyang kamay.

"Tara na mylabs,"

Nang makita ko ang kaniyang kotse ay nauna ako sa kaniya. Duon ako umupo sa likod, mahirap na ano. Baka mamaya hindi pala pwede sa unahan, masakit sa heart ang mareject mga bes.

Prente na akong nakaupo  sa backseat ng kumatok si mylabs sa salamin. Ibinababa ko ito,

"Yes mylabs?" Tanong ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Baba." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Wala lang, feel ko lang bagay sa'kin HAHAHA

"Ha mylabs?"

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon