Chapter 7

76 6 0
                                    

"CZARINA! BILISAN MO!" Hindi ako mapakali.

"MALA-LATE TAYO NYAN E!"

"Jusko 'day, parang mawawalan ka ng upuan ano?" Tila nang-aasar pa niyang sambit.

"E ang bagal bagal mo. Naghihintay na si mylabs sa'kin dun." Reklamo ko ngunit sadyang may bahid ng kalokahan ang babaeng ito dahil inirapan lamang ako.

"Ay wow naman. Oo na, VIP ka pero saglit lang ah. Kukunin ko na lang ang bag ko." Dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang bag.

Binato ko siya ng unan ng dahil sa pang-aalaska niya sa'kin.

"BILISAN MO!"

"IYANG BUNGANGA MO PARANG ARMALITE. RAT NG RAT JUSKO."

Talaga lang naman,

Hinila ko na siya ng mabilis at kaagad na naghanap ng taxi. Mabuti na lang naka-para agad ako. Dahil lintik namang kinakabahan ako.

Chanyeol mylabs, wait ka lang dyan. Darating ako.

Huehue.



Nakarating naman kaagad kami sa dome at halos maduling ako dahil sa libo-libong EXO-Ls.

Grabehan 'to.

Sobrang sikat na ng EXO. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko iyon. Deserved nila ito, hindi biro ang pinagdaanan ng kanilang grupo. Maraming paghihirap at nalagpasan nila 'yon.


I stan the right group.

"Hoy babae! Ano na? Pasok na tayo. Dyan ka lang magdamag!?"

Epal talaga 'to kahit kailan si Czarina.

"Alam mo di ko alam kung sino sa ating dalawa ang armalite ang bunganga. Mas malakas iyang boses mo kaysa sa'kin." Asik ko,

"Di wow. Parehas lang naman tayo." Napairap ako,

"O tara na."

Tsh.


Pumasok na kami sa loob ng dome. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Kumbaga halo-halo.






Nag-umpisa ang concert at halos gumuho na itong dome dahil sa kaingayan namin.

Tilian, sigawan, kantahan.

Masarap sa pakiramdam.


Oh taeyang-i tteunda

Neol chajajul jidoreul deulgo

Jwapyoreul ttara naseoneun hangro

Hindi magkamayaw ang fans na ng mag-umpisa muli ang EXO sa pagkanta.


No matter jeo eunbit nachimbaneun

Neoreul hyanghal teni

Neoreul dalmeun haneureun areumdawo

Oneuldo oneuldo idaero neon nunbusyeo

Iksukhan deut natseon gil hwi-eobeorilge

Neowa naui pyeonghaengseon neomeo neomeo

I don't mind

Keun pado-e millyeo i
hanghae-ui kkeute naega

Hwimorachineun

Nang napakinggan ko ang boses ni mylabs ay napatayo ako.

"I LOVE YOU! MYLABS!"

Nagtatalon ako at sumayaw-sayaw.

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon