Chapter 3

60 6 0
                                    


"Hoy! Dahan-dahan lang sa paglalagay ng asukal. Ang tamis na nyan." Bulong ni Czarina, nanaway.

Hindi ko siya pinansin, tagos na tagos ang aking paningin sa kanilang dalawa.

Gusto kong pasabugin ang coffee shop na 'to. Naiirita ako. Ang maligalig na 'yan wala talaga sa hulog.

Ang lakas ng loob lumapit sa mylabs ko. Ni lamok nga o langaw ayaw kong lumapit kay mylabs pero ang maligalig na 'yan sobrang kakaibang. Punyeta.

"Tama na 'yan Maria Patricia. I-serve mo na 'yan dun kay madam at sa MYLABS mo." Napa-irap ako,

Masama pa rin ang aking tingin ngunit sadyang hindi nila ito napapansin. Mga manhid.

Padabog kong ini-serve ang kanilang coffee. Ngunit hindi man lang nila ako napansin. Tila ba hindi ako nage-exist.

Kaya nakabusangot akong bumalik sa counter. Kunting-kunti na lang sasabog na ang coffee shop na ito. Ugh.

"Chill lang bes, alam mo naman ang galawang hokage ni madam." Bulong muli ni Czarina,

Sa tingin nya ba magiging chill pa ako sa lagay na 'to? Gusto ko ng sabunutan si madam at sipain palabas ng coffee shop na ito. Ngunit alam kong hindi maari. Isang hamak na tauhan lamang niya ako dito. Tsaka ako pa ang magkakaroon ng babayaran kapag nagkataon.

Huminga ako ng malalim, loob ay nilakasan. Magtitiis ako para sa sarili ko at kay mylabs. Ugh.

Kung hindi naman kasi isa't kalahating ahas ang babaeng 'yan hindi ako magiging ganito. Yung ibang fangirls mapapalampas ko pa kasi alam ko sa huli sa akin ang bagsak ni mylabs. Syempre, ako lang ang mahal nya e. At wala ng iba.

Lumipas ang dalawang oras, tumayo si madam at mylabs. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ngunit mayroon sa aking nag-uudyok upang malaman 'yon.

Umalis na si mylabs kaya parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ngunit may parte sa akin na masaya dahil hindi na niya kasama si madam.

May ngiti sa labi na pumasok si madam sa kanyang office kuno. Gusto kong burahin ang mga ngiting iyon.

Natapos na rin ang duty ko kaya hindi ako mapakali. Ayaw mapakali ng aking mga paa. Gusto na nitong umalis.

Dali-dali ako sa pagtakbo. Hindi ko inaasahan ang pang-yayari.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Daing ko, tumayo ako at pinagpag ang aking sarili. Nakakainis kasi.

"Sorry miss nagmamadali kasi--- Maria Patricia?!" Tumaas ang aking isang kilay,

Sino naman kaya ito?

Binaba niya ang kaniyang shades, ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang kaniyang mukha.

"Baekhyun?!" Nagulantang ako,

"The one and only." Napamaang ako.

"Kaya naman pala nakaka-bunggo ng tao kasi naka shades, tss." Inis na bulong ko, gabing gabi naka shades? Naka drugs ata 'to.

"Sorry talaga Maria Patricia." Ang pangit sa pandinig. Ang pangit pakinggan ng aking pangalan dahil sa taong bumabanggit nito.

Bakit kapag si mylabs ang bumibigkas ng aking pangalan, bakit kapag ito? Kakaiba. Tss,

"Sa susunod kasi wag na mag shades, gabing gabi e." Inis ko pa ring sabi,

"E, sorry na. May mga humahabol sa'kin."

"Magnanakaw ka na pala ngayon." Patango tango kong sambit,

"Ano? Hindi ah. Alam mo na kung sino ang mga 'yon." Buhay idol nga naman. Hays

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon