Chapter 1

132 7 5
                                    

"Chanyeol mylabs!"

"Chanyeol mylabs!"

Patuloy ako sa pagtakbo upang maabutan ko ang aking the one and only mylabs. Ang haba ng biyas e, kumusta nama kaya ako?

"Chanyeol mylabs!"

Ngunit parang wala siyang naririnig. Nagiging pabebe na naman ang mylabs ko. HAHA
Huminga ako ng malalim, inipon ang lahat ng hangin at lakas ng loob upang isigaw ang...

"CHANYEOL MYLABS!"

"ANO MARIA PATRICIA?"

Kulang na lang atakihin ako sa puso. Kinikilig talaga ako kapag siya ang bumibigkas ng aking pangalan. Mehehe.

"May dala akong pizza at drinks. Alam ko kasing gutom at pagod ka. Kagagaling mo lang sa taping e." Sabay ngiti ko ng matamis. Nag-puppy eyes na rin ako para lang kunin niya 'yong pizza at drinks na dala ko.

Aba syempe mahirap na. Masyado pa namang nag-iinarte ang mylabs kong ito. HAHA

Tulad nga ng inaasahan ko, inirapan lamang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Naku, hindi ako makakapayag na i-snob niya lang ang angking kagandahan ko. Hindi naman ata tama iyon.

At dahil dakila niya akong asawa hindi ako maaaring sumuko ng basta basta na lamang.

"Chanyeol mylabs!"

"Chanyeol mylabs!"

Hindi ako makapapayag na hindi niya kukunin itong pizza, drinks at puso ko. HAHAHA

"Chanyeol mylabs!"

"Ano ba? Tigilan mo na nga ang pagsunod sa'kin." Nagpipigil ng inis niyang sambit,

Paano ba naman kasi umabot na kami sa dorm nila. At syempre hindi ako maliligaw dahil alam ko na ang pasikot-sikot papunta ng kanilang dorm.

"Umuwi ka na." Aniya,

Tumingin ako ng deretso sa kaniyang mga mata, tila seryoso.
"Bakit naman ako titigil? Alam mo namang nage-exist ako."

Bahagya siyang natigilan kaya napangiti ako sa aking isipan. Mukhang naaamoy ko na ah.

"Tss. Akin na nga."

YES!

Sumuntok-suntok ako sa ere. Narinig ko naman ang pagkalabog ng kanilang pintuan. HAHAHA

Sinasabi ko na nga ba e. Hindi ako matitiis ni mylabs. Mahal na mahal niya talaga ako. Mehehe.

  * * *

Inayos kong muli ang aking hood at shades upang hindi ako mahalata.

Mahirap na, maraming sasaengs ang pakalat-kalat sa paligid. Mabuti na 'yong nag-iingat.

Patuloy sila sa kanilang tawanan at kwentuhan. Halos dalawang oras na silang naririto sa restaurant na ito at halos dalawang oras na rin akong nagmamasid sa kanilang dalawa.

Walangya ka talaga Baekhyun. Ang kapal ng mukha mong makipag-tawanan sa mylabs ko. Alam mo bang nagseselos ako? Pero hindi mo 'yon alam. Hah!

Hindi na talaga ako makapag-pigil. Gusto ko ng sumugod at hilahin na lang basta si mylabs. Ngunit alam kong hindi maaari. Magkakaroon lamang ng eskandalo sa restaurant na ito.

Ngunit sadyang mapag-biro ang tadhana. Hindi ko akalaing nakatayo na ako, binaba ko 'yung hood ng jacket ko at tinanggal na rin ang shades. Humanda kayo sa'kin.

Pasimple akong dumaan sa gilid ni Chanyeol. Oo Chanyeol lang. Tss. Nang parang walang alam, sinagi ko 'yung upuan niya dahilan upang matigil ang kwentuhan at tawanan nila at sa akin ituon ang kanilang atensyon.

Nameke ako ng tawa, "Sorry, hindi ko sinasadya." Sambit ko.

Nakatingin lang ng deretso si Baekhyun sa'kin samantalang si Chanyeol nangunot ang noo.

"Anong ginagawa mo dito, Maria Patricia?" Kunot noo niyang tanong,

Ano nga bang ginagawa ko dito?

"Malamang kumakain." Pabalang kong sagot kaya mas lalong nangunot ang kaniyang noo.

Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya iyon nagawa. Hindi na rin lamang ako umimik at dere-deretsong umalis ng restaurant na iyon.

Nabuburyo talaga ako e. Ang landi talaga ng dalawang iyon. Nakakapang-gigil.

Kung alam lang niya ang sitwasyon ko, kaso hindi naman talaga. Akala niya siguro nag-lalaro lang ako dito. Pwes hindi totoo iyon. Ang dami ko ng nai-sakripisyo para lamang masundan ko siya dito sa Korea.

Matagal ko na iyong pangarap at walang dahilanang natupad ko kaagad. Iyong para bang ikaw na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo.

Ang gusto ko lang naman ay malaman niyang nage-exist ako e. Pero dati iyon iba na ngayon. Ang gusto ko ay mahalin niya rin ako hindi bilang isang fan kung di ako mismo.

Hindi ko na kasi kaya ang pagiging fan, na palaging nasa crowd at sumisigaw ng pangalan niya. Matagal ko ng hinanda ang aking sarili upang matawag niya akong asawa. Asawa.

"Hoy! Maria Patricia!"

"Wag mo akong hawakan."
Nangunot ang kaniyang noo.

"Hindi naman kita hinahawakan."

Ay hindi ba? Akala ko pa naman hinawakan niya ako. Akala ko lang pala. Sayang tuloy. Sabagay maraming namamatay sa maling akala. Hmp!

"Sabi ko nga." Malamya kong sambit,

"Tss. Anong ginagawa mo sa restaurant na iyon?" Hanggang ngayon iyon pa rin ang tanong niya? Kaloka ah.

"Kumakain nga." Ang kulit rin ng isang 'to.

"Hindi iyon." Aba namilit pa.

"Wag ka ngang makulit. Sinabi ko na." Nag-umpisa na akong maglakad.

"Maria Patrcia!"

Sige lang, tawagin mo ako.

"Maria Patricia!"

Kunting kembot na lang Patricia. Hahabulin ka nyan.

"Maria Patricia!"

Sa ikatlong pagkakataon, sinigaw niyang muli ang aking pangalan.

"MARIA PATRICIA!"

Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko namalayan ang lahat. Bigla na lamang akong bumagsak sa sahig habang yakap-yakap ng isang lalaki.

Nangingilid ang luha kong tumayo, muntik na ako dun. Tumayo na rin ang lalaking sumagip ng aking buhay.

"Ayos ka lang?" Tanong ng lalaki,


Sunod-sunod akong tumango, hindi pa rin ako makapaniwala.

"Sa susunod mag-iingat."

Mabilis akong tumango,

"S-salamat.." Pinahid ko ang mga luha ko,

"Sige,"

"MARIA PATRICIA!"

Nilingon ko ang pinang-galingan ng boses na siyang tumawag ng aking pangalan.


"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Muntik ka na dun," Umiling-iling ako. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"Sa susunod nga mag-iingat ka." Iyon lang at bigla na lamang siya umalis.

Chanyeol mylabs,    

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Onde histórias criam vida. Descubra agora