Prologue

165 8 5
                                    

Maluha-luha akong lumapit kay Chanyeol. Oo Chanyeol lang at walang mylabs. Hindi ko pa rin tanggap ang nangyari. Ang sakit sakit sa puso. Paulit-ulit ng nadudurog.

"Palagi mo na lang ba sasaktan ang puso ko ha!? Chanyeol."

"Sinabi ko ng wag kang gagawa ng kahit na anong bagay na magpapasakit sa puso ko."

"Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo pa rin ako."

Hindi man lang niya nagawang sumagot. Diretso lamang siyang nakatingin sa'kin.

"Mahal na mahal kita pero anong ginawa mo!? Huhu."

Patuloy ako sa pagpunas ng aking luha. Inaasahan kong sumagot siya ngunit wala man lang akong narinig.

"Hoy Maria Patricia! Tigil-tigilan mo na 'yang pag-usap sa poster ng Chanyeol na iyan. Kahit na anong gawin mo hindi ka sasagutin niyan." 

"Baliw na batang ito. Bumaba ka na riyan at tayo'y kakain na."

Napanguso na lang ako sa sinabi ng lola ko. Pambihira talaga, nagawa pang makisingit sa ka-dramahan ko.

Chanyeol mylabs naman eh. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Nage-exist ako.

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Where stories live. Discover now