Chapter 2

90 6 0
                                    

Grabe sobrang tagal nila. Nilalamok na ako dito sa labas ng building ng SMent. Puspusan na naman ang practice ng mga fafa labs ko. Hays

Naghintay pa ako ng ilang oras at syempre naaaninag ko na ang mylabs ko. Sa tangkad ba naman nun, sinong hindi makakapansin? Kapre yun e. Hihi.

"Chanyeol mylabs!" Lintik namang mga body guards ito. Mga kupal talaga kahit kailan e.

Pero hindi ako susuko, aba sayang naman ang mahigit tatlong oras kong paghihintay na lumabas sila sa building na 'yan. Ang ganda kong ito, hindi ako magpapatalo. Flips hair;

Hinahawi ng mga guards ang ibang EXOLs na naririto. Pero ako? Hah! Hindi nila ako mahahawi at basta na lang mataboy ano.

"Chanyeol mylabs!" Aba ang kapre hindi namamansin. Hah! Maghintay ka lang mylabs. HAHA 

Patuloy pa rin sa pagtataboy ang mga guards upang makadaan ang EXO. Pero ang mga babaita, patuloy pa ring nakikipag siksikan. Mabuti pa ako hindi magaganyan. Dyosa ko kasi. HAHA

"Chanyeol oppa saranghae!" Nagpintig ang aking tainga. Puta---

Sinong naglakas ng loob upang isigaw 'yon? Ang kapal ng mukha. Wengya,

"Oppa! Saranghae!"

Punyeta! Wala akong paki alam sa inyo. Ang tagal nama kasing makapasok ng EXO sa van nila. Pabebe ang mga bakla, tss.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" Tiningnan ko ng masama ang guard na nagtanong sa'kin. Kapal rin ano, maka-hoy wagas e.

"Inaabangan ko ang asawa ko. Uuwi na po kasi kami." Nangunot ang kaniyang noo, HAHA dyosa ko talaga.

"Sinong asawa?"

Walang alinlangan kong itinuro ang kinaroroonan ni Chanyeol mylabs.

"Siya po 'yun. Gwapo diba?" Nag-iba na ang itsura ni manong guard. Hindi literal mga bes.

"Nagpapatawa ka ba ineng?" Mukha ba akong nagpapatawa. Manong guard, sapak you want? Tss.

"Hindi ka naniniwala manong? E di tanungin mo pa siya. Sige manong una na po ako."
Dali-dali ako sa pagtakbo patungo sa direksiyon ng EXO.

"Hoy!" Pumito pa si manong guard. Well, wala akong paki sa'yo manong.

Naka-agaw ng atensyon si manong sa ibang guard dahil sa pag-pito nito.

"Habulin niyo yan!" Magtigil ka nga manong, HAHAHA.

Malapit na ako sa kanila kaya hinanda ko na ang kailangan ko. Mga lima na silang guards na siyang humahabol sa'kin. Well, sakin pa rin ang huling halakhak.
Dahil saktong tumama sa gwapong mukha ni mylabs ang rilakkuma stuffed toy.

Naka-dikit pa duon ang gwapo niyang picture. Syempre, girls scout kaya ako. HAHA

"MAHAL NA MAHAL KITA! CHANYEOL MYLABS! MWAH!" Sigaw ko,

Hindi ko alam kung nanaginip lang ako o hindi. Natigilan siya, alam ko. Ramdam ko at kitang-kita ng aking malilinaw na mga mata.

Nakalayo na ako sa mga walanghiyang mga guards na 'yon. Ang tatag rin naman nila ano, napagod ako dun ng bongga.

Pero sadyang pinaglihi lang ako kay flash. Ang bilis ko,

Pagkarating ko sa mga bahay ni Tita, wala pa siya. I'm pretty sure na nasa trabaho pa 'yon kaya naghanda na lamang ako ng hapunan para sa kanya. Tapos na rin naman akong kumain.

Maswerte talaga ako kay Tita, dahil inaalagaan niya ako habang nandito sa pamamahay niya. At saka hindi naman ako tamad, hello may part time job kaya ako. Sa isang sikat na coffee shop sa Seoul.

Actually, kakatapos lang ng duty ko kanina bago ako tumuloy sa SMent. Nahihiya rin naman ako kay Tita, pinapatira niya ako, pinapakain at binibigyan pa ng pera.

Yung mga sahod ko naman, syempre iniipon ko. #iponing
Dito na rin kasi ako nag-aaral. Isang taon na lang naman at makakapag-tapos na ako.

Marami akong pangarap at ang nangunguna sa lahat ay ang mapakasalan ang nag-iisang mylabs ko.

Aba, libre lang naman ang mangarap ah. Pero tutuparin ko 'yon, hindi ako makapapayag. Yung mga guards na 'yon, isa lamang na hadlang sa aming pagiibigan ni Chanyeol mylabs. Hays

Mabilis akong nakatulog, dala na rin siguro sa pagod. Nagising na lamang ako ng may naaamoy akong mabango. Nagluto ata si Tita. Omg, ang bango.

Dali-dali akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at magmumog. Dumeretso ako sa kusina at duon ko nakita si Tita na nagluluto. Inamoy amoy ko pa ito at hindi ako nagkakamali.

Adobo?!

"TITA! ANG BANGO PO!" Lumingon sa akin si Tita at ngumiti.

"Syempre, ako pa." Tumawa-tawa si Tita,  "Alam ko kasing miss mo na ang mga lutong pinoy kaya naisipan kong magluto ng ganito. At saka paborito mo ito."

Kaagad ko namang niyakap si Tita. "Salamat po Tita. Mahal na mahal ko po kayo."

"Ay naku, bata ka. O sya maghain na tayo para maka-kain na." Kaagad ko namang sinunod si Tita. Ang bait niya talaga.


Natapos kaming kumain ni Tita na pana'y ang kwentuhan. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.

Nami-miss ko na sina Mama at Papa, hays

Umalis na si Tita para sa work niya kaya naglinis naman ako dito sa bahay. Pagkatapos ay nag-ayos naman ako sa aking sarili. Baka malate pa ako, lagot na naman ako sa maligalig na babaeng 'yon. HAHA


Mabuti na lang mabilis akong nakaka-kuha ng taxi dito kung hindi lagot talaga ako. Five minutes na akong late huhu.

Dere-deretso ako pagpasok sa coffee shop. Palinga-linga pa ako upang hanapin ang aming manager na maligalig.


"Tuleng! Wala si madam!" Napahawak naman ako sa aking batok, ang brutal talaga.

"O? Nasan sya?" Hinimas-himas ko ang aking batok, ang sakit kaya.

"Ang sabi nung sipsip churva may lakad daw si madam kaya wala. Pero maya-maya nandito sya." Tumango tango naman ako sa sinabi ni Czarina.


"Si miss sipsip nasan?" Tanong ko ulit, HAHA


"Nasa office ni madam. Alam mo na, tsk wag ka ngang magtanong." Nabwisit na sya, HAHA


"Gagi 'to. Mapakinggan ka nun." Pang-aasar ko,

"Psh. Wala akong paki-alam sa kaniya. Jusme. Magbihis ka na nga."

"Opo." HAHAHA




Nakapag-bihis naman kaagad ako at pumuwesto na sa counter. Syempre gawa mo muna sa trabaho bago ang lahat. Nae-excite ako. Sheyt! Chanyeol mylabs.



Pana'y ang ngiti ko sa mga customer, wala e. Sobrang kong saya.


Lumipas ang apat na oras at biglang dumating si madam. Madam ligalig, psh HAHAHA

Taas noo siyang naglakad papasok ng coffee shop. Kakaibang aura ang nasa kaniya ngayon, ewan ko ba.


Bumilis ang aking puso ng makita ko siya.


Chanyeol mylabs?!

Dear Bias, I Exist [Chanyeol FF] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt