Special Chapter

25.7K 442 23
                                    

A/N: Para ito sa lahat especially kay @calawit_aaa12 na nagrequest ng book 2.

ALI

"Ali can we talk?" medyo nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Kasalukuyan ko kasing ibinababad ang paa ko sa pool dito sa mansion ng mga Chance.

"Oh Second ikaw pala." napangiti ako ng makita siya. Tumabi siya sa akin at pareho nang nakalublob ang paa namin sa pool.

"Kumusta ang buhay may asawa?" tanong ko sa kanya para bigyan siya ng pagkakataon na mag-isip sa kung ano ba dapat ang sasabihin niya. Mula kasi ng bumalik ako ay di na kami nakapagsolo para magkausap. Napabuntong hininga si Second ng malalim.

"Heto masaya lalo na sa tuwing nakikita ko ang mag-ina ko.,pero Ali.,di ko maiwasang isipin na siguro doble ang saya ko pag ikaw ang napangasawa ko." may panghihinayang ang tunong ani Second. Napatawa naman ako.

"Naku Second masama yan. May asawa ka na't lahat may ganyan ka pang sinasabi.,hindi yan healthy ah." biro ko kay Second na napangiti na rin saka ako pinakatitigan.

"Ang swerte sa'yo ni First. Di ko maiwasang mainggit kasi ako nga ang nauna sa'yo pero si First pala talaga ang bagsak mo.,kasi nga si Second lang ako.." madramang aniya kaya napatawa na lang ako. Nahampas ko ito sa braso. Ang korny pa rin kasi niya hanggang ngayon.

OO, five months na nga kami ni First. Di ko nga sana siya sasagutin kasi masyadong mahangin eh.,nalilipad ako minsan. Haha!

Pero narealize ko na sa tuwing matutulog o magigising ako, si First lagi ang laman ng isip ko.

Kahit di naman kangiti-ngiti ang sasabihin nito ay nangingiti ako at kinikilig. Pinatunayan din niya ng paulit ulit na ako, si Iris at si Tita Victoria na lang ang babae sa buhay niya.

Higit sa lahat, pangalan pa lang ni First ay tila lalabas na ang puso ko sa sobrang pagtalon sa kaligayahan.

"Mahal mo ba talaga si First?" biglang tanong ni Second kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.

"Oo naman. Mahal na mahal at sa pagkakataong ito.,masasabi kong siya yung tao na di ko papakawalan katulad ng ginawa ko noon. This time, I will fight for him kahit gaano pa kadaming mga babae niya ang kakaharapin ko." bigla namang ginulo ni Second ang buhok ko. Siniko ko na lang siya.

"Mahal mo nga." iiling iling namang anito. Ngumiti lang ako saka muling nilaro ang tubig gamit ang mga paa ko.

"Naman! Makikita ng mga babae niya dati kung gaano ako kabagsik lumaban. Mas matanda ako sa mga yun.,nasisiguro ko at iba lumaban ang mga babaeng matanda pero virgin pa rin." tatawa tawa kong sabi kaya maging si Second ay napahalakhak na din. Napatigil kami sa paghalakhak ng biglang may pumalakpak sa likod namin. Si Dessa.

"Wow naman. Nalingat lang ako sandali.,naglalandian na kayo? Di na kayo nahiya! Ikaw na haliparot ka. Ang landi-landi mo! May asawa na nga si Second,,nilalandi mo pa. Malandi ka!" nanlilisik ang matang sigaw sa amin ni Dessa.

"Teka nga muna Dessa.,di kami..."

"Di kita kinakausap Second.," putol nito sa sasabihin sana ni Second.

"Wag na Second." baling ko kay Second." Dessa mali ka. Wala kaming ginagawang masama ng asawa mo..." di ko na natapos ipaliwanag ang sarili ko ng makita ko si First sa likuran ni Dessa. Paalis siya at pakiramdam ko tinarak ang puso ko dahil sa pag-walk out niya.

"First sandali...sandali lang naman oh.." umiiyak kong sabi habang binabaybay ang daang tinahak niya. Pati mga katulong ay naagaw ang atensyon at si Third na nakikipaglaro kina Iris at Sam ay napasunod din sa amin.

InstaMom(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum