Chapter 3.1

33.5K 679 1
                                    


ALI

"Oh isang oras na lang magsisimula na yung party. Hindi ka talaga pupunta?" pambungad na tanong sa akin ni Manang. Andito kami sa sala kasama ang mga bata. Katatapos lang nilang gawin ang assignments nila kaya heto kami ngayon at nanunuod.

"Hindi ho Manang. Wala naman po akong kakilala dun tsaka dito na lang po ako para kwentuhan sila bago matulog." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga angels ko na nakahilig ang ulo sa magkabila kung balikat. Napatango naman siya.

"Sige sabi mo eh. Oh sha sa kusina lang kami ni Koring." paalam niya saka tumungo sa kusina.

Ilang sandali pa ay biglang may narinig akong busina ng kotse sa labas. Alerto naman si Manang para lumabas.

Makalipas ang halos sampung minuto ay di pa rin bumabalik si Manang kaya nagpaalam ako sa mga bata para sundan siya. Inayos ko ang maluwag kong Tshirt at binaba ng kunti ang suot kong pekpek shorts saka kinapa ang nakamessy bun kong buhok.

Lumabas ako at sinalubong ako ng malamig na hampas ng hangin.

"Manang sino yang kausap niyo at tumagal yata kayo..."litanya ko habang papalapit sa gate na kinaroroonan ni Manang.

"Iha halika dito. Aba'y kay gwapo nitong bisita mo oh..." gigil pang ani Manang kaya nakakunot noo akong naglalakad palapit sa kanila. Medyo madilim sa parte ni Manang  kaya di ko sila maaninag.

"Hay naku Manang kay dilim dyan tapos nakakita ka ng gwapo. Baka mamaya tall, handsome in the dark lang yan..." patuloy kong bulong pero di ko inaasahan na narinig pala nila kaya narinig ko ang pagtawa nila.

Ay wow ang seksi naman ng tawa nung lalaki. Sino ba yan?

"Bilisan mo kasi dyan iha at baka mauna pa akong magkalove life kaysa sa'yo...Kgwapong lalaki nito..baka di na nga bumagay sa lampas kalendaryo pero birheng tulad mo. ..." asar na naman sa kanya ni Manang kaya napabilis ang paglapit niya rito. Lalo na ng marinig niya na naman ang seksi na tawa ng lalaki.

"MANANG! GRABE KAYO AH KAILANGAN IANNOUNCE....ANO NAMAN KUNG VIRGIN AKO?? AT LEAST MAY ANAK A---" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagbangga ko sa isang matayog na puno este tao pala. Hanep naman kasi ang tangkad oh.

Si Benjie Paras yata ito eh!

"It's nice to see you again Ali..." Nanlaki na lang ang mata ko dahil sa pamilyar na boses na yun.

Syete bakit di ko naalala na nagkakoneksyon nga pala ako dati sa alagad ng C and C Company.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para tingalain ang kapre este ang lalaki na nabangga ko.

"tsk sinasabi ko na nga ba't di ka pupunta. Still the introvert Ali that I use to know huh?" iiling iling na aniya kaya nagbaba na naman ako ng tingin.

Syete! mas gumwapo ang loko! Nakakahiya ang hitsura ko ngayon. Mukha na siguro akong gusgusin ngayong nakatabi ko lang siya.

Napasinghap ako ng bigla niyang hinawakan ang baba ko sabay dahandahang inangat para tingalain ko siya.

Pakshet! Gustong gusto yata niyang ipamukha ang kaliitan ko ah...Di ko namalayang napapout na pala ako sa ginawa niya.

"Don't pout. I might kiss you." seryosong aniya kaya napaatras ako dahilan upang matawa siya.

"Tsk feeling teengaer ka talaga iha...oh sha maiwan ko muna kayo..." bago pa ako iwan ni Manang sa kapre ay agad kong hinablot ang braso niya.

"Manang wala namang  iwanan..." pakiusap ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"Aba'y ayaw ko naman makaistorbo sa loving loving niyo nuh...'" kunwari'y nagagalit na ani Manang. Napapadyak na lang ako at nang luwagan ko ang pagkakakapit sa kanya ay agad siyang tumakbo papasok sa bahay.

Susunod na sana ako ng hablutin nitong kapre ang braso ko saka walang sabi-sabing pinasan ako na parang sako.

InstaMom(COMPLETED)Where stories live. Discover now