Chapter 19

21K 421 15
                                    


ALI

"I'm really sorry Ali..please wag ganito. I can prove myself in some ways wag lang ganito Ali.." kanina pang pagmamakaawa ni Second sa akin. Kanina pa kami nakarating  sa mansion nila at naipakilala na din si Sam kay Dessa.

Sobra ang iyak ko kanina.,hindi dahil sa lungkot o saya kundi dahil sa naaawa ako sa sarili ko dahil simula sa araw na ito.,uuwi na ako ng mag-isa. Walang anak at tanging ako lang.

Sobrang emosyonal ang pagtatagpo nina Dessa at Sam kanina.,halata mong mag-ina sila dahil bukod sa magkamukha sila ay talagang nagustuhan agad siya ni Sam.

Masakit kasi mula kanina.,di na ako binalingan ni Sam ng tingin at di na ako tinawag. Masyado na silang abala ni Dessa at tila may sarili na silang mundo. Maging si tita at tito ay wala na din ang atensyon sa akin kundi kina Dessa. Iris and First is with a lady sa may swimming pool.,girlfriend siya ni First base na rin sa titigan at interaction nilang dalawa.

"Wag kang magdrama dyan Second.,just be happy kasi mabibigyan mo na din sa wakas si Sam ng kompletong pamilya." pilit ang ngiting sabi ko kay Second. Masakit kasi mahal ko rin siya pero sa sitwasyon namin mas mainam ng kumawala sa kanya para naman tuluyan ng mabuo ang pamilya ng anak ko.

I love Second pero mas mahal ko ang anak ko. Hindi man ako ang kasama nila na mabuo ang pamilya nila ay masaya na rin siguro ako dahil ako naman ang magpapasimula sa pagkabuo nila. Dessa's still young unlike me and I know that they can be a great parent.,sila ni Second.

"Wala na lang ba sa'yo ang mga pinagsamahan natin Ali? Mahal kita.,mahal na mahal kita kaya nga ako nakagawa ng maling desisyon eh pero sana naman mapatawad mo ako. Tayo nina Sam.,we can still be a family. Di naman hinihingi ni Dessa na pakasalan ko siya eh...Come on Ali..I really love you. I really do." pagmamakaawa ni Second. Alam ko naman lahat ng sinasabi niya at nararamdaman ko pero di ko kayang magpakaselfish ngayon. Buo na ang desisyon ko.

"Alam ko at ramdam ko yun Second and I admit that I felt the same.,pero sorry kasi mas mahal ko ang anak ko." i know he was hurt.
"Kinausap ko kagabi si Sam kaya ganito ang naging pasya ko ngayon.,she badly needs her real mom and I can't stand between them. Mahal na mahal ko siya pero alam kong pag puso ko at kaligayahan ko ang susundin ko ngayon.,si Sam lang ang mahihirapan sa huli at ayaw kong mangyari yun Second. Mahal kita pero mas mahal ko talaga ang anak ko. Kaya kahit masakit na pakawalan kayo.,ayos lang. Magiging maayos din ang lahat Second.,Dessa will make a good mother and a great wife. Trust me." Pigil ang luhang sagot ko sa kaniya. Nakayuko lang siya at humihikbi.

Mahal kita Second pero alam kong hanggang dito na lang ang nararamdaman ko.

'Akala ko ba mahal mo si Sam.,you also said you love me. Bakit ngayon sumusuko ka kaagad? Bakit di mo kami ipaglaban?" may galit at hinanakit na tanong niya. Huminga ako ng malalim para di muna lumabas ang mga luha ko.

"Ang pagmamahal hindi yan puro paglalaban, minsan kailangan din ng pagpaparaya." sagot ko bago ko tuluyang nilisan ang mansion.

I love you Sam.

I love you Iris.

I love you damn much too, Second.

Pero hanggang dito na lang ako.

Di ako sigurado kong katapangan bang maituturing ang tuluyan kayong pakawalan pero dahil ina ako at mahal ko kayo.,handa kong gawin lahat kahit ganito kasakit ang mawalan ayos basta masigurado ko lang na magiging maayos din kayo.

Kasiyahan ko na lang na maimagine ang future ng mga anak ko.

Si First at ang nobya niya kasama si Baby Iris.

Si Second at Dessa kasama si Baby Sam.

Ako. Ganito na siguro ang kapalaran ko as an InstaMom.

It's unfortunate yet i'm now fully contented knowing that my two lovely daughters is in good hands.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon