Chapter 14

19.9K 407 3
                                    


SECOND

Tsk! Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap na nagkasama sina First at Ali sa birthday niya. Seloso na kung seloso but  I just wanna guard what is rightfully mine.

Yeah, We are already an item pero di nga lang namin nasabi sa lahat coz we don't wanna rush things up. Baka mamaya daw ipakasal na kami agad-agad, according to Ali and I agreed with her dahil alam na alam ko na ang takbo ng utak ni Mama.

I can still remember how we get together as a couple.

Flashback:

"At sino yung lalaking kasama mo kanina sa restaurant huh? Tell me Ali, kaya ka ba nag-aalinlangan sa deal niyo ni mama coz you already have that man?." di ko na maiwasang pagtaasan siya ng boses.

Paano ba naman kasi., I texted her to have lunch with me but she declined dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin. Tapos makikita ko na lang siya na nakikipagtawanan sa isang lalaki sa restaurant.

Oo hindi kami.. pero at least sinabi niya sana na may iba na siya para di naman ako umasa.

"Come on tell me Ali.,Am I not man enough for you?" tanong ko sa kanya. At kita ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya.

"Pwede ba Tw-Second..." she's about to call me Two pero nag-alangan siya ..."Bakit ka ba nagagalit hah? Client ko lang yun at kailan pa naging bawal makipagtawanan sa kliyente hah? Kung umasta ka naman parang boyfriend kita." ouch Ali! That hurts!

"Eh kung gusto mo pa rin ako di sana nagsasabi ka di yung puro ka lang pang-aasar...hmmmp.." pabulong na aniya but I heard it. Matapos niyang sinabi yun ay agad siyang umalis sa harapan ko.

Teka nga, does that mean, she's just waiting for me to say the word?

Di ko na siya hinayaang makalayo pa.

"Ali I love you. I still do!" sigaw ko which made her stop walking. Pati mga tao sa paligid ay napatigil at napatingin sa aming dalawa.

"Che! Ewan ko sa'yo!" tatakbuhan pa sana niya ako but I didn't let her go coz I immediately hugged her from behind.

"Ano ba! Pakawalan mo nga ako! Nakakahiya na oh..." pagpupumiglas niya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Isiniksik ko na rin ang mukha ko sa leeg niya. Wala na akong paki sa mga taong nanunuod. She really smells like a baby.

"I love you Ali. Di yun nawala after all this years...Sorry kung natagalan bago ko nasabi. Di pa naman ako late di ba? Kasi sabi mo virgin ka pa..*chuckle*."

"Che! Bwesit ka talaga Two...bitaw nga..." pagpupumiglas pa din niya pero mas lalo ko lang siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Tinawag mo akong Two.,Does that mean tayo na ulit.?" Narinig ko siyang napasinghap.

"Oy ano ka sinuswerte?" pagsusungit niya.

"Is that a yes? Swerte talaga ako coz I have Alisson Ramirez as my girl.." sagot ko naman saka siya pinaharap sa akin. Oh I see.,namumula siya. Sa init ba ng panahon o dahil sa akin? Pilit pa rin siyang umiiwas ng tingin.

"Hey look at me..." pero di pa rin siya sumunod so I kissed her on the lips. Smack lang naman, enough para mapatingin siya sa akin with wide eyes on.

"You let me kiss you.,just like last time. Naalala mo pa ba? Therefore, you're already mine." namumula siyang napabusangot.

"Ewan ko sa'yo Two!" aniya sabay padyak at naunang maglakad. Simple lang ang ibig sabihin nun, just like 13 years ago OO na yun para kay Ali.

That made my day!

End of Flashback

"Tsk! Para kang baliw. Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Speaking of my lady. Hinila ko na lang siya para yakapin.

"Iniisip kasi kita." sagot ko. I can feel na napairap na naman siya sa kawalan.

"Korny!"

"Sa'yo lang naman."

InstaMom(COMPLETED)Where stories live. Discover now