Chapter 10

23.4K 470 5
                                    


SECOND

"anong pakiramdam?" biglang tanong ni Third. Nagkatinginan tuloy kami ni First bago nagkibit balikat.

Andito kami ngayon sa mini bar ng mansion.,nagkayayaan kami matapos kaming kausapin nina Papa kanina.

"oy sumagot naman kayo..tinatanong ko kung anong pakiramdam ng pagiging ama?" ulit niyang tanong at sabay na naman kaming napabuntong hininga ni First. Ang awkward tawagin siyang Kuya kasi mas matangkad ako.

"Nakakakaba na masaya kasi nagbunga ang sperm ko." muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa sagot ni First.

"Gago! Seryosong usapan eh.." singhal ko sa kanya. Tumawa lang ang loko.

"Seryoso naman ako ah.." pagpupumilit pa niya.

"Eh ikaw Kuya ?" baling sa akin ni Third at ngumiti naman ako.

"Masaya.Para na ngang puputok ang puso ko sa saya eh.." sagot ko. Natawa naman ang dalawa.

"Pwe! Ang bakla mo pakinggan." tila nandidiri pang ani First.

"Palibhasa ako may future wife na ikaw wala pa." banat ko naman.

Parang di pa rin ako makapaniwalang pwede ko pa rin palang mapakasalan si Ali. High School pa lang gusto ko na nga siyang hilahin sa altar eh kaso masyado pa raw akong bata. Feeling kasi niya noon ang tanda niya para sa akin eh dalawang taon lang naman agwat niya sa akin.

Tsaka paki ko ba dun..ang mahalaga mahal ko siya. Akala ko nga tuluyan na siyang nakasal sa iba pero masaya ako na hindi pa pala. Mas lalo tuloy lumakas ang paniniwala ko na kami ang itinakda para sa isa't isa.

Sa libo-libong pwedeng umampon sa anak namin ni First  bakit siya pa kung ganun?

"Saan ba makakahanap ng gaya ni Ali?" biglang tanong ni First.

"wala nang gaya niya First. Sa akin lang siya nakalaan." sagot ko sa kanya. Napangisi naman siya maging si Third.

"possessive ka masyado eh di pa naman kayo." banat niya sa akin.

"Type mo siya?" biglang tanong ni Third kay First kaya napatingin ako sa gawi ni First. Nagkataong sa akin din pala siya nakatingin.

"OO." walang kagatol gatol niyang sagot saka ngumisi. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Third.

"Easy Second. Type ko lang siya pero di ko naman sinabing aagawin ko. Alam ko namang may nararamdaman pa siya sa'yo." seryosong aniya na nagpausbong ng matinding pag-asa sa puso ko.

"How can you be so sure?" taka kong tanong kahit alam ko na di siya nagbibiro.

"The way she reacts, the way she blushes, the way she looks at you and everything she does when you're simply staring at her tells it all...I can always read a girls action." aniya. Di na ako magtataka kung bakit pinagpilitan niya dati na kumuha ng psychology pero di nga lang niya naituloy dahil pinilit siya nina mama na magArchitecture, syempre dahil building related ang family  business namin.

"Bakit alam mo? Bakla ka talaga.!" tatawa tawang sabi ko pero sa loob loob ko ay gusto kong magsisisigaw dahil sa nalaman ko.

Alam ko namang may tama sa sinabi ni First pero iba pa rin pag sa mismong bibig ni Ali nanggaling.

I can't wait na makita sila bukas.

"Buti na lang wala rin akong naanakan." biglang ani Third kaya napaubo kami ni First.

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Akala mo siguro madali." seryosong ani First sa kanya.

"easy mga Kuya. Sinasabi ko lang naman ang laman ng munti kong isip." tatawa tawa pang aniya.

Di naman kasi kami papayag na masundan niya ang yapak naming dalawa.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon