Chapter 17

18.6K 362 3
                                    

ALI

"Paanong nangyaring naging kayo ng anak ko eh nasa Amerika siya ng matagal na panahon? Akala namin chambermaid ka sa isang hotel at nasa Saudi ka ngayon?" takang tanong ni tito. Di makasagot ang babae at di mapakali si Second.

"Second anong ibig sabihin nito? All this time ba pinagloloko mo kami?" may halong galit na tanong ni tita.

Sabihin mo na ang totoo sa amin Second.

"Sorry Ma, Pa.,Sorry Ali. I'm so sorry. Mali yung impormasyon na binigay sa inyo ng private investigator maliban kay First. Nang nalaman ko lang na single pa si Ali.,di ko na hinanap si Dessa at mas binalewala ko siya ng mapag-alaman ko na nasa pangangalaga ni Ali ang anak namin...I'm sorry." nakayukong ani Second at mas lumakas ang hikbi ni Dessa.

"Paano mo nagawa ito sa amin Second., you deceive as for your selfish reason? Nakabuntis ka ng di mo pinanagutan? How could you? Di ka namin pinalaki ng ganyan!" sumbat sa kanya ni tita. Di ko na alam ang mararamdaman ko.,pinaghalo-halong sakit, takot, pag-aalala para sa mga bata ang nararamdaman ko ngayon.

Pinaliwanag ni Second na 12 years ago umuwi siya sa bansa at doon sila nagkakilala ni Dessa sa isang resto-bar noong araw din na yun nakita niya ako kasama ang isang lalaki na akala niya'y asawa ko na. Nang magkakilala sila ay madalas na siyang bumisita sa resto-bar na yun at walang kahirap hirap na nahulog ang loob ng babae kay Second. Being Second Chance, napasagot niya agad ang babae at may nangyari nga sa kanila. After a week,.kinailangan niyang bumalik sa Canada para lang di siya mahalata nina tita at tito sa mga kalukuhang pinaggagawa niya.

Mula noon di na siya nagkaroon ng communicatio sa babae. Just last last month ng bumalik siya ay pinahanap niya si Dessa pero ako ang natagpuan niya at nalamang single pa ako pero may mga anak.

Pinaimbistigahan niya kung paano ako nagkaanak ng dalawa gayong wala akong asawa at doon na niya natuntun na nag-ampon lang ako at nagkataong nalaman din niya na anak ni Dessa ang nakuha ko which is Sam. Palihim niyang pinaDNA ang bata at napag-alaman niyang anak niya si Sam pero di na niya hinanap pa si Dessa dahil sapat na raw ako.

What a lame excuse!

Gusto kong magalit pero gusto ko ring magpasalamat kasi kung nalaman ko kaagad yun di baka simula pa lang wala na sa akin si Sam. Pero nangingibabaw sa akin ang takot na paggising ko isang araw wala na si Sam sa akin. Ano na lang ang karapatan ko sa bata? Ano na lang?

"sssshh everything will be alright..ok?" pagpapatahan sa akin ni First na iling ang naging sagot ko.

"Di ko alam...ano naman ang laban ng isang foster mother sa tunay na ina." humahagulgol kong sabi at ramdam ko ang pagtitig sa akin ng lahat. Mabilis akong yinakap ni Second na panay hingi ng sorry pero di ko na alam ang isasagot ko sa kanya.

Kasi ang alam ko lang ngayon ay takot ako. Takot na takot ako para sa mga anak ko lalo na kay Sam. Takot ako na malayo sa anak ko.

Takot ako.

Mahal na mahal ko sila pero anong magagawa ng isang tulad ko kung tunay na ina na mismo ang nanghingi sa atensyon at pagmamahal nila.

Masakit.

Sobrang sakit!

InstaMom(COMPLETED)Where stories live. Discover now