Chapter 18

19.2K 370 7
                                    

ALI

Tulala ako ngayon sa kwarto ko. Inihatid kami kanina ni Second dito sa bahay at di muna nila hinayaan si Dessa na makaharap si Sam para daw hindi ito mabigla.

Pinaubaya nila sa akin kung paano ko ihahanda si Sam sa pagharap nila ni Dessa kinabukasan. Di ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako kay Second, nasasaktan din ako para sa anak ko at mas nasasaktan ako para kay Dessa. Kahit di ko pa rin maunawaan ng husto ang dahilan niya sa pagpapaubaya niya sa bahay ampunan kay Sam.,mas nananaig sa akin ang masaktan para sa pangungulila niya sa anak niya. Kahit di galing sa akin sina Sam at Iris, ina pa rin ako at alam ko kung gaano kasakit kung sakaling mawalan ako ng anak.

Di ako masyadong nakatulog kagabi kaya siguro mukha akong sabog ngayon.

"Mommy you okay?" tanong sa akin ni Sam kaya maging si Iris ay pinakatitigan na din ako. Guso kong maiyak kasi ramdam ko na anytime soon di ko na sila sabay na makakasama sa breakfast.

Pinigilan ko ang mga luha ko at buong puso silang nginitian.

'Of course..momny is okay. Kain na tayo dahil mamaya..pupuntahan ulit natin sina Daddy." masigla kong sabi sa kanila na agad naman nilang tinalima. Ngayon pa lang gusto ko nang magbreakdown lalo nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Sam kagabi.

Flashback

"Baby Sam..kapag ba nakilala mo ang totoo mong mommy sasama ka na ba sa kanya?" tanong ko kay Sam habang nasa kama na niya kami. Inaayos ko ang kumot niya para makatulog na siya. Tulog na kasi si Iris., siguro dahil sa kapaguran sa adventure daw nila ni First.

"Eh paano po kayo mommy? Di ba kayo malulungkot pag pinili kong sumama sa real mommy ko?" medyo nagulat ako sa tanong niya kaya di agad ako nakaimik. Para akong sinaksak ng punyal sa tanong niya. It's like a confirmation. Pinilit ko siyang ngitian kahit nagbabadya na talaga ang mga luha ko.

"Of course mommy will be very sad..,pero dahil little angel kita at ikaw si baby Sam ko magiging masaya ako para sa'yo.,basta tandaan mo na mahal na mahal ka ni mommy at kahit ano gagawin ko para lang mabuo ang pamilya ng baby Sam ko." success kasi di pa tumutulo ang luha ko and I saw Sam smiling before she hugged me.

"Kung ganun mommy, pag nakilala ko ang real mom ko I'll accept her with open arms.." aniya sabay hagikgik na siya namang tuluyang nagpatulo sa mga luha ko."Pero loves na loves ko pa din kayo.,at kung sasabihin ng real mom ko na sama ako sa kanya hmmmmmm....I will po kasi sabi ni teacher wala daw makakatalo sa pagmamahal ng tunay na ina." and that made me cry. Di ko na napigilan pa ang mapahikbi. Sam is 10.,alam na niya ang mga sinasabi niya kahit papaano. Akala ko naihanda ko na ang sarili ko kanina pero ngayon ko lang napatunayan na hindi pala.

"Mommy why are you crying po? I thought you will be happy po.." napatawa ako sa gitna ng pag-iyak para di niya mahalata na talagang sobrang sakit ang nararamdaman ko.

"Of course.,mommy is happy. Ito ang tinatawag nilang tears of joy.." sagot ko ng nakangiti saka siya mahigpit na niyakap.

"I love you my little angel Sam."

"I love you too Mommy. The best po kayo."

End of Flashback

RIght now.,I already decided on what to do. Masakit man pero I can't be selfish para lang sa sarili kong kaligayahan.

Kapag ina ka mas naiisip mo ang ikabubuti at ikasasaya ng anak mo kaysa  sa nararamdaman mo.

InstaMom(COMPLETED)Where stories live. Discover now