Chapter 3.4

29K 578 7
                                    

ALI

"oh ang saya mo yata?" tanong ko naman sa kanya.

"I just feel so lucky.,coz i've been part of Alisson Ramirez's wishes." nakangiti pa ring aniya na para bang isa na yung sinabi niya sa pinakamasayang pangyayari sa buhay niya.

Asa pa ako nuh!

"tsk akala ko naman kung ano na. Oh magsisimula na yung party mamaya..alis na." pagtataboy ko sa kanya.

"Tinataboy mo na ba ako? Di mo na nga pinakinggan ang explaination ko itataboy mo pa ako. Nakakasakit ka na ah" pagtatampo niya.

"Sus wag mo akong niloloko. Itabi mo na lang yang explaination mo for future references." pagsusungit ko sa kanya na ikinatawa lang niya.

"I can't believe na kaharap kita ngayon and you're already a mother of two."

"tsk eh di wag kang maniwala. May I can't believe, I can't believe ka pang nalalaman dyan."

"tsk sungit! meron ka nuh?" tanong niya ng nakakaloko sabay tingin sa baba ko. Shucks! Lantad legs ko. Awtomatiko kong itinakip ang kamay ko sa hita ko na para bang matatakpan nito ang kabuuan ng hita ko.

"Wag ka ngang tumingin..." singhal ko na ikinatawa niya.

"Kinder pa lang ako tinuruan na akong iappreciate ang mga magagandang tanawin.." ngingisi ngising aniya na nakapagpainit na naman sa pisngi ko.

Jusko! mamamatay yata ako sa kalokohan ng lalaking to!

"Seryosong usapan Ali, hindi totoo yung reason ko nung nakipagbreak ako sa'yo dati. Kaya lang naman ako napilitang  makipaghiwalay kasi aalis na ako nun kinabukasan paAmerica. Ayaw lang kita itali sa LDR para ipagpatuloy mo ng normal ang buhay mo kaya kahit masakit kailangan ko yun gawin. That girl na nakita mo na nakaangkla sa braso ko that was Eunice, my cousin. Kinausap ko lang siya para maging convincing ang act ko." paliwanag niya. Ramdam ko naman ang sinseridad kaso di mawala sa akin yung tampo. Sana nagsabi na lang siya ng totoo kaysa naman ganun na nagsinungaling pa siya.

"tsk at kailangan pang sa birthday ko itaon ganun?" sumbat ko sa kanya. Napayuko naman siya.

"Well, that was again my mistake. Di ko kasi agad naalala kaya ganun..." tila nahihiyang aniya.

"ouch naman buti nalang din pala kasi baka nakipagbreak din ako sa'yo nung araw na yun dahil sa di mo naalala agad ang birthday ko." pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman siya.

"Sorry talaga Ali." muling aniya. Napangiti naman ako sa kanya. Matagal na yun. Wag mastock sa past sabi nga nila. Forgive and Forget.

"wala na yun. Matagal naman na saka at least nagkachance na magkita tayo ngayon. Musta naman na ang buhay ng isang Second Choice-Chance?" pagpapalit ko ng usapan.

"heto ayos lang pero may kulang pa din." napakunot noo na naman ako sa sagot niya.

"ano naman yun?" taka kong tanong.

"sino hindi ano..." sagot naman niya kaya napaiwas na ako ng tingin. Baka tinakasan ito ng asawa kung meron man.Imposibleng wala.

"sino naman kung ganun?"

"malalaman mo sana kung sasama ka sa party kaso ayaw mo eh...don't worry sisiguraduhin ko sa'yong masusundan pa ang pagkikitang ito at mas mauunawaan mo ang pakay namin sa'yo." seryosong aniya na tila nagdulot ng kaba sa sistema ko.

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Curious talaga ako eh. What does he mean by that pakay nila sa akin?

"Malapit ng magsimula ang party. Kailangan ko ng mauna. Next time na lang ulit." pagpapaalam at the same time pag-iwas niya.

"ah oo nga pala sige.." akmang bubuksan ko ang pinto para sana bumaba pero pinigilan niya ako at siya na ang naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

"I'm really glad for seeing you again Ali. Salamat. Thank You Ali." napatango na lang ako kahit medyo naguguluhan ako sa kung ano bang pinagpapasalamat niya.

Bahala na nga.

InstaMom(COMPLETED)Where stories live. Discover now