29 - library

62 1 0
                                    

Hannah's POV

Dumiretso ako sa locker pagkatapos magring ng bell. Uwian na kasi kaya ayun. Si Jace naman nauna na sa meeting sabi ko magiiwan lang ako ng iilang gamit sa locker.

Wala na halos tao dito kaya medyo creepy.

Pagkatapat ko sa locker ko, nilagay ko na sa loob yung libro na di kailangan kasi pampabigat sa bag. Habang naglolocker di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa magkabilang direksyon ng hallway pero wala naman. Hindi ko na lang pinansin yun at kinuha yung isang notebook ko na pang notes ng reminders and etc na kachuchuhan.

Kaso pag hila ko palabas nun ay may nahulog na envelope.

Dinampot ko iyon at dahan-dahang binuksan. Kaso pagkabasa ko palang nung unang sentence natigilan na agad ako at tumindig ang balahibo ko

"Ang tanga-tanga mo para maniwala kay Royce. Hindi mo ba alam na niloko ka niya? Di mo matanggap? May mga litrato diyan at yun patunay na niloko ka niya talaga. Hindi ko alam kung bakit kinakaya mo pa din na magustuhan yun. Sana ngayon malaman mo na si Jace ang dapat talaga para sayo. Kaibigan kita at ayaw kitang masaktan. Okay ng sabihan kita ng masasakit na salita pero tandaan mo na hindi ka makakahanap ng kaibigan na katulad ko. - the forgotten bestest friend"

Bestest friend? Sino?

Napaisip naman ako bigla dun, sinong forgotten friend? Eh wala nga akong kilala na ganun changgala. Kilala ko lang si-

Nathalie?

Kaso imposible. Handwriting pa lang.

Kinuha ko naman yung pictures sa envelope. Totoo nga?

Yung picture nila sa isang condo na nag-uusap. May date na kalagay at yun ang date na sinagot sagot ko ng pabalang si Cathy

July 24, 2014

May isa pang picture na magkasama sila. Nung gabing pumunta ako sa photoshoot ni Nathalie. Nasa shed sila at nag-uusap,gabi na rin iyon. Yung isa pa sa may garden ng school.

At yung huling picture na ansakit sa mata.

Magkahalikan sila sa dalawa.

Napapikit ang mata ko pilit na pinipigilan yung iyak ko pero wala.

Akala ko wala na pero ansakit parin.

Yung sakit na naranasan ko sa kanya andito pa din.

Napatakip bibig ako kasi hindi ko inaasahan na umiyak ako ng malakas. Mamaya may makarinig sa akin at magtaka. Nakaharap lang ako sa locker ko at nakatingin sa pictures. Walang hiya siya.

"Hannah!" May narinig akong tumawag sa akin mula sa kabilang side ng hallway. Boses pa lang kilala ko na yun.

Agad-agad akong nagpunas ng luha at nilagay ulit sa locker yung envelope. Sinara ko na iyon at saktong dumating si Jace.

"Tara na magsisimula na yung meeting." Tumango ako at napatingin siya sa akin. Kumunot noo niya at tinignan ako mabuti. Umiwas naman ako ng tingin.

"Umiyak ka ba? Bakit namumula mata mo?" Umiling naman ako.

"Wala napuhing ako." Sambit ko.

"Hannah." Natense ako sa seryoso niyang boses.

"Look at me." Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Anong nangyari?"

"Wala nga."

"Hannah Christina Lopez Kilala kita masyado para pagsinungalingan mo ako." Nakaramdam ako ng parang nababara na yung lalamunan ko kaya naiyak nanaman ako.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now